Mga Mami-miss ko sa 8th IYAS Creative Writing Workshop

29 04 2008

Kelangan ko nang isulat ‘to bago ko makalimutan ang ilang detalye. First time kong um-attend ng national creative writing workshop at happy ako na IYAS (Apr 20-26, USLS, Bacolod) ang una ko. Eto’ng mga mami-miss ko:
1. Ang maghapong kain-katay-kain-katay-kain-katay (kumusta ‘yong gumrabe ang flabs ko).
2. Ang Lost ’80s concert.
3. Ang halos gabi-gabing “paglo-load” ng mga textm8rs.
4. Ang mga transition na asterisk, flower, at smiley
5. Ang bandang I Love You But I’ve Chosen Darkness
6. Ang “Ayoko nga!” ni Sir John.
7. Ang “Last comment na lang, kakain na tayo” ni Sir Tony.
8. Ang 4-inch Sto. Nino ni JV.
9. Ang giraffe ni Jessel.
10. Ang piss buddy ni Jeff.
11. Ang manggagaok ni Carlo at ang Tatlong Buddhang Ina ni Ida.
12. Ang floating head ni Margie.
13. Ang prepaid ni Mitch.

14. Ang kakulitan ni En.
15. Ang ka-Kris Aquino-han ng roommate kong si JM.
16. Ang 41 years old nang si Hedwig (naliligo raw siya ng dugo ng baklang vigin, ‘yon ang sikreto ng youth niya).
17. Ang paggala namin sa capitol nina Jeff, Jessel, at Jonathan at panonood sa mga isdang di namin mawari kung ano.
18. Ang Better Than Sex dessert sa Sweet Greens.
19. Ang 2-in-1 na sina Carlo at Ida.
20. Ang buhok ni Charles.
21. Ang pagtungkod ni Margie sa table dahil may “signal” na.
22. Ang bell.
23. Ang Balay Kalinungan.
24. Ang staff na sinungitan kami nina Hedwig at Jonathan dahil sa yosi.
25. Ang bentang-bentang si Twinkle (taob si JM).
26. Ang Manokan Country, Chicken Bacolod, Pendy’s, Bongbong’s, Calea, Gaston House, The Ruins, Pana-ad, Book Sale, National Bookstore
27. Si Javier Bardem
28. Ang panlilibre sa amin nina Jessel at Jonathan ni Sir Tony ng La Paz Batchoy at pagdala sa amin sa SM supermarket para tumingin-tingin ng mga isda.
29. Ang dinner sa bahay nina Dr. Coscolluela.
30. Ang pagsugod sa ulan kasama sina Jeff at Mitch matapos kumain sa Chicken Bacolod (oo nga, mas masarap ang insal dito kesa sa manokan Country)
31. No’ng inulan kami nina Twinkle, JV, Jon, JM, En, at Yvonne sa opening ng Pana-ad.
32. Ang Bob’s Cafe sa tapat ng La Salle.
33. Ang panonood ko ng Forbidden Kingdom sa SM Bacolod (P70 lang ang ticket, sa’n ka pa?)
34. Ang oyster na pinulutan na dala ni Jeff.
35. Ang mga debateng iisa lang naman ang pinatutunguhan.
36. Ang mga comments ni Mitch sa plenary.
37. Ang room 2004 at ang pagbaha sa banyo.





My Landlady. Shet.

17 04 2008

Last year ko pa sinulat ‘to. Pero since lilipat na ako ng bahay, ipo-post ko uli. Just to remind myself kung gaano ako kainis sa land lady ko.

——-

Ay, ikaw ba si Anthony, ‘yong tumawag ‘nong Lunes? A, ikaw pala. Teka, dito tayo sa labas mag-usap, baka may makarinig sa atin. Okey naman dito sa ‘min. Tahimik, hindi magulo. ‘Yong magiging kapitbahay mo, may sayad sa ulo, ‘wag kang makikipag-usap sa kanya. Akalain mo ba namang mag-alaga ng sandosenang pusa. E, bawal ‘yon sa kontrata, Pinayagan ko siya ‘nong una, siyempre isang aso lang naman. Pero ‘nong tumagal, patay! Ayun, nag-ampon na ng mga pusa. Ang baho-baho na tuloy ng lugar. Sinabi mo pa, amoy tae talaga. Nakakasuka!

Mag-asawa sila. Pulis ‘yong lalaki. Hindi siya combatant, tagatugtog lang sa banda ng mga pulis. Alam mo ‘yon ? Hindi, hindi naman siya delikado. Basta ‘wag ka lang makikipag-usap sa kanila. Sino’ng may topak? Silang dalawa. ‘Yong babae, ‘pag tinanong ka kung magkano kuha mo sa bahay,  sabihin mo: “I’m not allowed to talk.” Ganun lang. ‘Wag mo nang pahabain pa ang usapan. E, kasi, mas mahal ng 500 hundred ang singil ko sa kanila.

Mag-e-expire na nga kontrata nila this March, e. So konting tiis na lang Anthony. ‘Pag wala na sila, ay, e di ang saya. Wala nang sakit ng ulo. Kaya lang matigas ang lalaki, e. Parang ayaw pang umalis, e. Korek! Ba’t kasi hindi na lang sila maghanap ng sariling bahay. Hay naku, sobrang perhuwisyo talaga. Basta, hindi ko na ire-renew contract nila. Warning lang, ha, ‘pag kinatok ka, ‘wag mong i-entertain. Mahirap na.

Tara, tingnan mo ‘yong bahay.

O, di ba? Kasya na sa ‘yo ‘to. Maluwang. Eto ang lababo, o. ‘Wag kang mag-alala, 24 hours ang tubig. Kung magluluto ka, buksan mo lang ang bintana. Tapos eto ang pintuan sa likod, o. Emergency exit. Pero ’wag mo na lang bubuksan. Tapat kasi niyan e, ’yong babaeng hindi ko gusto. Eto Anthony ang CR. Pag bumara, o may problema, tawagin mo lang mister ko. Ku, sakit sa ulo’yong dating nakatira rito, laging barado ang kubeta. Minsan napkin. Minsan condom. Ano ba ‘yan!

So, kukunin mo na? Wow, hulog ka talaga ng langit. One month advance, two months deposit. Mas mabuting mauna ka na, kesa maunahan ka pa ng iba. Lahat na ba babayaran mo? Wow! Para kang ’yong kapitbahay mo, ’yong nasa kanan ng unit mo. Mag-isa lang siya do’n. Sobra sa yabang. Pero siyempre, ikaw, hindi mayabang. Mukha ka ngang mabait, e. Grabe, ang hangin talaga niya. Sabi niya, pagod na raw siyang mangibang bansa. E, parang hindi naman totoo mga pinagsasabi-sabi niya. Sabi pa niya, may sasakyan daw siya, e wala naman. Mahangin talaga, sinasabi ko sa ‘yo. Tapos, maarte pa. Minsan sinabi ko, d’on na lang siya sa taas kumain, do’n sa highway, ’yong dinaanan mo kanina papunta rito. Ayun, sinisi ako dahil puno raw ng langgam ’yong ulam. E, sabi ko naman:  “Alam mo namang may langgam, bakit mo pa kinain?” Warning lang, ha. ‘Wag mo siyang kakaibiganin. Baka utangan ka niya. Sa taas ka na rin kumain, para mas tipid. Kung magluluto ka, ay, magastos ’yan.

Malakas ka bang magpatugtog ng radyo? Sa umaga, okey lang. Pero pag sa gabi, hinaan mo lang. E, maarte pa naman ‘yong babaeng nasa likod ng unit mo. Oo, ‘yong babaeng di ko gusto. Exhibitionist ‘yon. Akalain mo ba namang natutulog nang naka bra’t panty lang na bukas ang bintana. Oo nga, e. Baka nang-aakit. Kaya ikaw, ingat ka. Mahirap na. Alam mo naman ang mga babaeng may eded na. Wala kang laban sa kanya ‘pag gumawa siya ng eskandalo. May asawa siya pero matagal na silang hiwalay. ‘Yong dalawa niyang anak na lalaki, mga nasa 30s na, may itsura. Pero alam mo ‘yon, do’n pa rin sila nakatira. Nagsisiksikan. Hindi naman sa nanghihimasok ako, o ano, kasi vina-value ko rin naman ang privacy ng mga tenants ko, pero parang may incest ba. Ikaw ba, ano bang iisipin mo? Naka-bra’t panty lang kasama ang mga anak sa iisang kuwarto? Kaya pag kinatok ka, at nakipag-usap sa ’yo, ’wag mo na lang pahabain ’yong usapan. Delikado na.

Naku, alam mo bang matagal ko nang pinagdarasal sa Panginoon na bigyan ako ng matinong tenant. Halos lahat ng mga naging tenant ko, sakit ng ulo talaga. Ikaw, hulog ka ng langit. Ang bait-bait mo kasi, e. Unang kita ko pa lang sa ’yo, alam ko nang magkakasundo tayo. Ang gaan talaga ng pakiramdam ko sa ’yo. Sana hindi mo ako bigyan ng problema.





Wohoo!

17 04 2008

May tumatawag sa akin sa cell phone kanina. Tawag nang tawag. Pero di ko sinasagot. Baka kasi ‘yon ‘yong pinagkakautangan ko, o ‘yong trabahong di ko sinipot, o ‘yong stalker ko (meron talaga, pramis). Di rin ako nakatiis. Sinagot ko, baka kasi nanalo ako sa raffle or something.

Panalo nga! Sabi ng babae sa kabilang linya, pasok daw ako sa 2008 IYAS Creative Writing Workshop. Isa ako sa 15 fellows. Siyempre, nagtatatalon-talon ako. First time ko kayang makasali sa ganitong workshop. Ibinasura man ng UST-CCWS National Writers Workshop ang etries ko (suspetsa ko, nabastusan sila sa pagbanggit ko ng puke, titi, salsal, kantutan, susuhan sa mga akda ko), haping-hapi naman ako at napansin ng IYAS ang talent ko (meron din pala ako nun, akalain mo).

(April 6, 2008 )





Bad Trip Ako

17 04 2008

Bakit kan’yo:

1. Bumabaha sa mantika ang Lily’s Peanut Butter na nabili ko. At ang tigas, ha. Nakakainis dahil di siya swak sa Gardenia high fiber wheat bread. Ang sakit pa sa lalamunan ‘pag pinapapak ko. Dati naman, ayos ang mga nabibili kong Lily’s Peanut Butter.

2. Rebolusyon! Sigaw ng buhok kong gusto nang lumaya. First time ko kasing magpahaba ng buhok. Balak ko sanang ipaayos a la John Lloyd Cruz (ambisyoso?). E, ang kaso, nasa pinakapangit na stage na ang buhok ko: matigas, tuyo, may grudge sa mundo.

3. Halos pasabugin ng migraine ang ulo ko. Kumusta naman ‘yong nadale ako ng heat wave. Sablay kasi sa ventilation ang nirerentahan kong studio. A, mali, ang nirerentahan kong bath house pala. Kung gusto n’yo ng steam bath, samahan n’yo ‘ko dito. Libre.

4. Namumuro na sa ‘kin ang kapitbahay ko. Aba, ginawang talyer ang tapat ng unit ko. Nabasag ang ear drum ko sa ingay ng makinang ginamit nila. Na-high din ako sa nalanghap kong mga chemical. Ay, daig ko pa ang mga Rugby Boys sa Delta. Di rin ako nakapag-concentrate sa sinusulat ko. Istorbohin n’yo ako ‘pag lasing ako, o ‘pag natutulog ako, o ‘pag nangangarap nang gising. ‘Wag lang talaga ‘pag nagsusulat. Magkamatayan na.

5. In fairness, ang mahal ng ticket sa Super Ferry, ha. Umabot ng P1.6k. Tourist class. ‘Yan, pasikat kasi. Pa-tourist-tourist class pa. Tuloy,  tinext ko ang lahat ng puwedeng matext para utangan. Ni hi ni ho, wala.