1. Original copy o certified true copy ng baptismal certificate at birth certificate
2. Mga larawang kuha sa binyag (kasama ako, siyempre) o kahit na anong larawang magpapatunay na inaanak ko nga kayo
3. NBI clearance at police clearance ng parents
4. Original copy o certified true copy ng income tax return ng mga magulang (commensurate sa family income ang presyo ng ireregalo ko)
4. One-page essay kung bakit kelangan ninyo ng regalo ngayong pasko at kung ano ang mapapala ko sa pagbibigay sa inyo ng regalo
5. Plano ng gagawing performance (dapat maaliw ako sa production number)
6. Para sa mga inaanak kong nag-aaral na: certification of good moral character at good academic performance (ayokong magsayang ng pera sa mga pasaway na inaanak)
Deadline ng pagsa-submit ng requirements: December 23, 2011.
WALANG REGALO kung kulang ang requirements.

MERRY CHRISTMAS!!!
Merry Christmas. Di ko naman siguro inaanak ang anak mo, no?