Eiga Sai 2009

15 06 2009

1

From the Japan Foundation, Manila:

In celebration of Philippines–Japan Friendship Month, the Japan Foundation, Manila, in cooperation with the Embassy of Japan, the Shangri-La Plaza Mall, and the UP Film Institute proudly presents a Japanese Contemporary Film Festival, titled “Eigasai ‘09” (literally means ‘film festival’ in Japanese) that will serve as its kick-off activity on July 2, 2009 at Shang Cineplex Cinema 3 for the month-long celebration.

“Eigasai ‘09” aims to bolster further the diplomatic relations between the Philippines and Japan by continuously providing an opportunity for Filipinos to enhance the understanding and appreciation of Japanese arts and culture explored in this medium. This year’s offering brings together 7 contemporary films and 1 anime film in 35mm format. An invitational screening of Always – Sunset on Third Street (Always San-chome no yuhi, 2005) by director Yamazaki Takashi will be held on July 2, 2009 (Thursday) at 7:00 p.m. at the Shangri-La Plaza Cinema 3, Edsa, Mandaluyong City.

Other films to be featured are Memories of Matsuko (Kiraware Matsuko no issho, 2006) directed by Nakashima Tetsuya, Kamome Diner (Kamome shokudo, 2006) directed by Ogigami Naoko, Memories of Tomorrow (Ashita no kioku, 2006) directed by Tsutsumi Yukihiko, The Milkwoman (Itsuka dokusho suru hi, 2005) directed by Ogata Akira, Turn Over – An Angel Is Coming on a Bicycle (Futari biyori, 2004) directed by Nomura Keiichi, Tony Takitani (Toni Takitani, 2004) directed by Ichikawa Jun, and the sole anime film Mind Game (Mind Game, 2004) directed by Masaaki Yuasa.

All films will be shown with English subtitles. Admission is free. Screening venues are at the Shangri-La Plaza Cinema 3 (July 2 to 12) and UP Film Institute (August 14 to 20). “Eigasai ‘09” will also have provincial screenings that will commence in Gaisano South City Mall, Davao (July 18 and 19); Ayala Center, Cebu (July 28 to Aug 2) and Baguio Center Mall, Baguio (August 7 to 11). For detailed screening schedules and inquiries, please access the Japan Foundation, Manila website or call the JFM telephone numbers (+632) 811-6155 to 58.





Of Gums and Dentures

9 06 2009

ganush

Sa title pa lang, B movie na B movie ang dating ng Drag me to Hell. Kaya nga pinanood ko dahil sa campy feel ng title, poster, at trailer. And I wasn’t disappointed.

1. Ito ang masasabi ko: Mrs. Ganush FTW!!!

2. Hag fight with lots and lots of gums and dentures involved. Mrs Ganush biting Christine with her gums is riot.

3. LOL and hilarious lines: “I beat you, you old bitch!” “Here kitty, kitty…” (poor cat. haha!)

4. Classic Raimi. Love the Evil Dead and Army of Darkness tongue in cheek humor in the film.

5.  Chilling high pitched violin = Fantastic sound effects.

6. Superb ending. Predictable, but superb. Di ko pa rinmakalimutan ang pag-atras ni Christine sa train station. haha!

7. Talking goat, squirting nosebleeds, stapled eyeball, an eyeball in a piece of cake, evil panyo, greenish and yellowish phlegms, gums, and more gums. Panoorin ninyo na lang.





Van Gogho-hum

8 06 2009

vangogh

French Film Festival na naman. E, ‘yong super excited akong kumandi-kandirit papuntang sa Shangri-La. Van Gogh ang 8 pm screening. Interesting, sabi ko. Art Studies naman ang undergrad ko, so mukhang magugustuhan ko.

Ang ganda. Sobra. Sarap matulog sa sinehan. Kung gusto mong ma-coma, panoorin mo ‘to.

Draaaaaaging! Ang daming unnecessary scenes. Confused ang filmmaker kung ano ang ifo-focus (problema ng mga baguhang indie-indiehang direktor sa Pinas). Makatunaw-pasensiya ang editing. Namatay talaga ako no’ng nasa loob ako ng sinehan. Kung ugali ko lang ang magwalk-out, lalayasan ko talaga.

Alam kong may paepek ang direktor kung bakit gano’n ang approach niya. Pero, sorry. Di umepek sa akin. Sa iba siguro. na-trauma tuloy si Stan, ‘yong friend ni Anmare na baguhan sa French Film Fest. Di na raw uli siya manonood. Haha!





2008 Cine Europa Film Festival

16 09 2008


So far nakakasampung pelikula pa lang ako. Anim pa ang di ko napapanood. Kinokompetensiya ko kasi sina Anne at Angelo (alam n’yo naman ako, di nagpapatalo sa mga ganitong bagay. hahahaha). hanggang 21 pa naman, so malamang makumpleto ko. Saka na ang review, ‘pag napanood ko na lahat. Pero ang top 3 ko so far ay: Children of the Moon, And When Did You Last See Your Father?, at The Paper Will Be Blue.

Eto ang mga napanood ko na (dumugo ang mata ko sa sept 14 screening!):

Sept 14 – The Paper Will Be blue
Children of the Moon
And When Did You Last See Your Father?
Mozart in China
Night Run

Sept 15 – Hands Off Mississippi
Beauty in Trouble
After the Wedding

Sept 16 – Chemical Hunger
100 Steps





Linda Linda Linda

12 07 2008

Panahon na naman ng Eiga Sai. No’ng nabasa ko’ng synopsis ng “Linda Linda Linda”, sabi ko, mapanood nga. Mukhang light comedy at di ‘yong typical mindfuck Japanese films.

Inaantok ako no’ng unang 10 minuto. Dala siguro ng sobrang pagod. Halos sumadsad na kasi sa sahig ang dila ko sa kamamadaling makarating sa Shangri-La.

So, balik tayo sa pelikula. ‘Yon nga, inantok ako sa umpisa. Di ko kasi masundan kasi andaming pangalang sinasabi. Iniisip ko, sino sa kanila si Linda? Saka ko lang nalaman na pamagat pala ‘yon ng kanta ng Japanese punk band na blue Hearts.

Tungkol ‘to sa isang all-girl high school band na naghahanap ng bagong bokalista. Napakatipikal ng kuwento. Pero wala akong panahong magpaka-intelektuwal no’ng pinapanood ko ‘to. Basta ang alam ko, napatawa niya ako. Solb na ako do’n. Solb na solb, sa totoo lang.

Pinakagusto kong eksena ‘yong nag-meet si Son at ‘yong secret admirer niya sa equipment room. Halong kilig at tawa at inis at awa.
Andito si Noriko ng “Battle Royale” at ‘yong isang artista sa “Sympathy for Mr. Vengeance”.

Para akong niregaluhan ng dalawang suntok sa tiyan matapos kong panoorin to. Nawala ang pagod ko. No’ng naglalakad nga ako papasok sa trabaho, na-LSS ako sa kanta.

Linda Lindaaaaaa…Linda Linda Lindaaaaaa-ha…Linda Lindaaaaaa…




Temptation Island: Where Bitches Bitch Around with Fellow Bitches

6 07 2008

One of the campiest movies of all time.
Synopsis: Dina (Dina Bonnevie), Bambi (Bambi Arambulo), Azenith (Azenith Briones). and Suzanne (Jennifer Cortez) are vying for the title of the famed Miss Manila Sunshine. They are then invited to a yacht cruise as part of the contest’s semi-finals. By some freak accident, yacht catches fire and the four contestants, together with the screaming high society queen Joshua, Suzanne’s maid, and three hot studs are thrown into a deserted island. And the rest is history.

video

See these Clips.




Here are some of my favorite lines (mind-boggling, no-nonsense dialogues, hahaha!):
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Ah! Careful, careful now. ‘Wag mo masyadong idiin at masisira ang beauty ng complexion ko. Alam mo namang mahirap ma-achieve ang golden tan. Importanteng mapuntahan ko ang party ni Bambi mamaya. Hmph! Birthday na naman ng bruha, kailangang matalbugan ko siya. Kailangang ako at hindi siya ang pansinin ng mga boys mamaya. Like what happened last year…
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Sabihin mo kay Vicente na ihanda ang Mercedes na charcoal gray…Mas gusto ko yatang magpahatid, para I can leave anytime I want. Late entrance, early exit. ‘Yan ang dramatic!
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Bambi: Sus! Budget! Mommy naman panay budget! Mas importante pa yata ang budget kesa birthday ko! Diyos ko last year tatlong kombo tumugtog sa birthday ko, ngayon tape recorder na lang.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Azenith: Maraming klaseng puta. May big time. May small time. Pwes, big time ako!
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Mrs. Belisario: …Alam niyo, Mrs. Syjuco, my daughter is still a virgin kaya ingat na ingat ako sa kanya. You will not believe this if I tell you all the things that I saw there to be English, you know…and all that!
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Bambi: Bitch!
Suzanne: Darling, ‘di ko sinasadya. Hindi kita napansin.
Bambi: It must have been failing eyesight.
Suzanne: Really now, 20/20 yata ang vision ko.
Bambi: Sorry ha. I thought that was your bust line.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Azenith: Late comer? Sa gitna ng dagat? Eh, anong sinakyan mo…taxi?
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Azenith: Ako naman si Azenith. Well, I’m sure we’ll get along fine, tulad ng kasabihang birds of the same feathers flock together.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: As I was saying, this is a bright sunny day. A day in the light of the sun’s rays. This is how I begin my day. An hour of tender loving care in the eight o’clock sunshine! ‘Yan ang sikreto ng aking youthful complexion, parang nasa tabi lang tayo ng swimming pool.
Azenith: O baka naman na-sun stroke ka lang?
Suzanne: It’s Ms. Manila Sunshine not Ms. Manila Sun Stroke.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: But of course. Alam mo namang my lungs is always on fire. I’m not a foolish virgin.
Azenith: Che! You’re not a virgin. Period.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Shut up! Walang humihingi ng opinyon mo. Mag-alis kayo ng panty kung gusto ninyo but my panty stays right where it is.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Joshua: Hay, nakakapagod palang gumawa ng bahay kahit na bahay-bahayan lang. Well, Rome was not built in a day if you can build Rome.
Suzanne: Wala akong carpenter complex, so I don’t know what you’re talking about.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Let’s face it! Kayo talagang mga bakla mahilig mangolekta. Mahilig mangolekta ng records, mga antiques at ikaw mahilig mangolekta ng mga lalake. Poor, proletariat, indigent men.
Joshua: It’s simple, darling. I’m just trying to make up for the things that I didn’t have.
Suzanne: You’re trying to make up for the things that you never had.
Joshua: Bitch.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Maria, pakikuha mo nga ang make-up kit ko sa kabilang bundok, nakalimutan ko eh.
Maria: Opo, senyorita.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Azenith: Ah, shit!
Umberto: Ano ba ibig sabihin ng shit?
Azenith: Bakit? Di mo alam ibig sabihin nun?
Umberto: Pero gusto ko marinig sa yo. English yun di ba?
Azenith: Oo.
Umberto: Ano nga ibig sabihin?
Azenith: Eh, di dumi.
Umberto: Dumi? Tae yon di ba?
Azenith: Expression lang yun.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Gutom na gutom na ako!
Bambi: Lunukin mo laway mo.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Azenith: Walang tubig, walang pagkain. Eh ‘di magsayaw na lang tayo.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Azenith: At kung ganon pagsama-samahan natin ang ating lahat na ari-arian at magumpisa tayo sa panty mo! Girls!
(They attack Suzanne.)
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Kukuruku! Umaga na! Good morning! What did you have for breakfast? Eggs benedict? At si Umberto ba ang nag-serve?
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: What are bitches for? But to bitch around with fellow bitches.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Bambi: Well, as I say, good manners spoil good food so…(kumuha ng kapirasong karne ni Joshua)
Alfred: ‘Wag niyo na isipin ang kung anu-ano. And maybe it would help kung lahat tayo magdasal nang tahimik habang kumakain.
Suzanne: Umberto, yaman din lamang waiter ka, ba’t di mo kami pagsilbihan?
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Suzanne: Talaga! Palibhasa mga magulang mo taga-bundok! Kaya walang laman ‘yang utak mo kundi kamoteng kahoy!
Maria: ‘Wag niyo naman ho sila idamay dito.
Suzanne: Shit silang lahat! Pati ninuno mo…shit!
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Maria: Oo, kung tawagin mo kong tonta, idiota, ileterada at kung anu-ano pa pero ito ang tandaan mo–ang tao kahit walang pinag-aralan ay may damdamin din na ‘pag nasaktan ay humanda ka! Hayop ka! Kakalbuhin kita!
Suzanne: Oo na. Babayaran kita pagdating natin sa Maynila.
Maria: ‘Yan ang sabihin mo.
—————————————- —————————————- —————————————- —————
Dina: Mukhang tatagal pa tayo sa islang ‘to, tatagal pa! Habang buhay pa so please alang-alang kay Joshua, alang-alang sa ‘ting lahat, let’s all be friends!




Iyakin

30 05 2008

Nabanggit ko sa isang blog entry na di ako iyakin. Ang totoo n’yan, iyakin ako no’ng bata ako. Di naman talaga iyakin, medyo mababaw lang ang luha ko no’n. Lalo na ‘pag nanonood ng mga nakakaiyak na pelikula. Naiyak ako sa “Hihintayin kita sa Langit” at “Land Before Time”. At opo, pati sa ”Conan the Barbarian”. Ewan ko kung bakit. Baka nasindak lang ako sa mga ugat sa masel ni Arnold Schwarzenegger.

E, ayokong nakikita akong umiiyak no’n. Ang ginagawa ko, ‘pag malapit nang tumulo ang luha ko, kunwari iihi lang ako sa labas ng bahay. Tapos do’n ko na pupunasan ang luha. E, ang mga pinsan kong asar, minsan sinundan ako. Ayun, buking. Asar-talo tuloy ako sa kanila.

Ang huling nagpaiyak sa akin ay ang “The Kite Runner” at ang all-time favorite kong “Eternal Sunshine of the Spotless Mind”. Milyong beses ko nang pinapanood ‘to, pero hanggang ngayon, di ko pa ring mapigilang maluha sa kuwento nina Joel at Clementine. 

Ang mga kaibigan ko, mabababaw ang luha. Si Mako, ay, ito ang numero uno sa iyakan. Ang lakas ng mga hikbi niya no’ng nanood kami ng “Kung ako na lang Sana” sa Megamall”. Hanggang ngayon, feeling ko, di pa rin siya maka-get over sa “Grave of the Fireflies” at “Dancer in the Dark”. Si Queenie, sinabi niya sa aking natuyuan daw siya ng luha sa “Evita” ni Madonna. Si Anne Marie, walang babala, bigla na lang naiyak sa pinapanood naming Thai comedy na may pamagat na “Metrosexual”. 

Pero ngayon, di na ako masyadong naiiyak sa mga pelikula. Lalo na sa mga melodramang dinadrama pa. ‘Yong mga tipo ng pelikulang iniiyakan ko no’ng bata ako, tinatawanan ko na lang ngayon. 





Serbis and Indie Crap

25 05 2008
“Serbis”, originally uploaded by paderewski
Alam naman na siguro ng lahat na kinatay at itinapon ng mga kritiko sa kangkungan ang “Serbis” ni Dante Menoza sa Cannes Film Festival. Sabi ng isang kritiko: “Finally, what would a Cannes Competition be without a head-scratcher? So far that would be Brillante Mendoza’s ‘Service’ from the Philippines. A 90-minute wallow in frighteningly bad sound and camerawork, nonacting, relentless degradation and sex, the film seems to be here for one reason — to give the festival its annual jolt of graphic oral sex.”

Sabi naman sa Variety: “Hell of another kind is served up in Filipino director Brillante Mendoza’s “Service,” which stands both as the year’s seemingly obligatory hardcore-sex art picture and, by general agreement, the entry most wildly out of place in the Competition.”

Maraming Pinoy, at least sa peyups.com, ang nanggagalaiti kung bakit padala tayo nang padala ng mga pelikulang tunfkol sa kahirapan, prostitusyon at violence sa mga international film festivals. Kaya raw di tayo makausad kasi ine-exoticize ng mga pelikula natin ang bansa at ang danas nating mga Pilipino. Bakit daw hindi tayo gumawa ng mga pelikulang ishino-showcase naman ang good and bright side ng bansa.

May point naman sila. Pero, para sa akin, hindi ‘yun ang nakikita kong main problem. Ang hinahanap ko kasi, sinseridad ng mga filmmaker at producer sa paghawak at pagtalakay sa subject matter. So ayos lang sa akin na magpalabas nang magpalabas ng mga pelikula on poverty, sex, homosexuality, and violence. Basta may honesty at may compassion sa subject. Hindi ‘yung tipong “Ay, kelangan kantot nang kantot ang taga-squatter na bida at pagkatapos magpapatayan sila in the end para kumita ang pelikula ko.” Usually kasi, ganun ang mentalidad ng ilang filmmaker. Lumalabas kasi na lalong nae-exploit ang mga exploited.

Tulad ngayon, naglipana ang mga indie gay film sa Pilipinas. Marami, sad to say, mapagpanggap. Ginagamit lang nilang maskara ang label na “indie film” (meaning, art film) para pagtakpan ang ultimate objective nilang makalikom ng tubo. Marami ring filmmaker ang nabubulag sa idea na ang isang magandang art film ay kelangang explosive at may matinding shock value. May iba namang naghahangad ng kasikatan, ‘yung tipong gumagawa ng pelikula para sa mga international film festival.

Sukang-suka ako sa “Ang Lalake sa Parola”, “Ang Lihim ni Antonio”, at “Pantasya”. Tangina, sumasabog ang utak ko sa kaiisip kung bakit may ganitong mga pelikula. Ayos lang sa akin ang mga sex scenes. Pero hindi ako interesado kung paano nag-umpugan ang betlog ng mga bida; gusto kong malaman kung paano hinubog ng sitwasyon ang mga bida para magkantutan/ maglaplapan/ maglamasan/ magtsupaan at ano ang consequences nito sa buhay nila. Disente ang “Masahista”, medyo may pagkapretentious nga lang. Pinakagusto ko ang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” dahil sinasagka nito ang mga stereotype ng kabaklaan at kahirapan.

Di ko pa naman napapanood ang “Serbis”, so no comment na lang muna ako kung karapat-dapat ba itong itapon sa imburnal.





The Diving Bell and the Butterfly

23 05 2008

Katatapos ko lang panoorin ang “The Diving Bell and the Butterfly” ni Julian Schnabel. Inaalikabok na ang DVD copy sa rack nang mabasa ko ang status message ni Tina. Ayun, since wala namang ginagawa, mapanood nga.
Ito lang ang masasabi ko: W-O-W!
Ganito ang gusto kong pelikula. ‘Yong tipong astig sa presentation ng POV. So far, para sa akin, ito ‘yung pelikulang pinakarakenrol ang paglalahad ng POV. As in literal na kumukurap-kurap at nagbu-blur-blur ang kamera. With matching dialogue na pamatay talaga. ‘Yong bida kasi, na-stroke. Na-coma ng tatlong linggo. No’ng magising siya, naparalyze ang buong katawan niya. Hindi siya makapagsalita. Pero nakakakurap siya, nakakakita at nakakarinig. At logical pa rin siyang mag-isip.

Pangarap niyang makapagsulat ng nobela, pero di nga puwede kasi meron siyang “locked-in syndrome”. Para makapagsulat, nirerecite ng isang transcriber ang alphabet according to frequency of use at kikindat siya sa letra hanggang sa makabuo ng salita. Imagine, it takes minutes to form a sentence. Natapos niya rin ang nobela at namatay 10 days after its publication.

Bukod sa napakainnovative, may kurot sa puso ang pelikula. Ang relasyon niya sa pamilya, sa tatay niya, sa babaeng minahal niya. At kung pa’no siya nag-struggle para mabuhay sa pamamagitan ng imagination at memory. Ang “The Diving Bell and the Butterfly” ay hango sa buhay ni Jean-Dominique Bauby. Ito rin ang English translation ng nobela niyang “Le Scaphandre et le Papillon”. Kelangan ko ‘tong basahin.





Usapang Suicide

14 02 2008

Hindi ako nakatulog kagabi. Natakot akong bangungutin, kunin ang kutsilyo, at pagsasaksakin nang walang humpay ang sarili. Naliligo sa sariling dugo. Gilit ang leeg. Wakwak ang tiyan. Labas ang bituka. Wala naman akong suicidal tendency, 100% sure ako riyan. Natakot lang talaga ako sa pinanood ko: “Akumu Tantei” (Nightmare Detective).

Japan, isang bansang may mataas na suicide rate, ang setting ng kuwento. Sa pelikula, tatawagan sa cell phone ng isang gusto nang magpakamatay ang lalaking nagngangalang “O”. Ito ang mangyayari: magpapapakamatay sila over the phone. Makikita ng manonood na sasaksakin ni “O” ang sarili, at pag turn na ng nasa kabilang linya para magpakamatay, isang misteryong nilalang ang brutal na papatay sa kanya.

Ito ang twist: Nangyayari ang lahat pag tulog na ang tumawag. Pumapasok sa panaginip niya si “O” at saka niya ito papatayin. Pero ang totoong nangyayari, ang biktima ang pumapatay sa kanyang sarili habang siya ay natutulog.

Dito ako natakot.

May isang eksena sa pelikula na habang nilalabanan ng babaeng bida (isang detective na sinubukang kausapin sa cell phone si “O”) ang antok, itinago niya lahat ng matatalim na bagay para wala siyang ipansaksak sa sarili sakaling bangungutin. Akala niya, naitago na niya ang lahat. Pero nang i-angat niya ang unan, may nakita siyang kutsilyo. HIndi niya alam kung gising pa siya o binabangungot na.

Siyempre, kinabahan din ako. Sinampal-sampal ko ang sarili para siguraduhing gising ako. Ibinalot ko sa newspaper ang kutsilyo sa bahay at itinago ko sa cabinet. Ni-lock ko pa para sigurado. In-off ko rin ang cell phone ko. Kung kaya ko nga lang igapos ang sarili, igagapos ko talaga. Gusto ko na talagang tawagan ang ilang kaibigan at makiusap na dito na lang sa place ko matulog. Para at least, may magbabantay, kung sakali mang may gawin akong masama sa sarili. Seryoso, napraning talaga ako sa pelikulang ‘to. Big time.

Pinapasok din ni “O” ang panaginip ng mga taong nagsasabing never pumasok sa isip nila ang magpapakamatay. Sina-suggest kasi sa pelikula na lahat ng tao, sa kaloob-looban nila, may maliit na boses na nagtutulak na magpakamatay sila. Dito nagka-capitalize si “O”.

Ang morbid ng iniisip ko matapos ang pelikula: “What if, kahit gaano ako ka-optimistic sa buhay, masulsulan ako ng boses na ‘yon na magpakamatay? What if, hindi na ako magising kinabukasan?”

At ang creepy, may ilang lines sa pelikula na paulit-ulit. Hypnotic. Pati ang tono, parang nanghi-hypnotize. Sabi ko sa sarili, hindi kaya may underground suicide circle sa Japan, at ginagamit ang pelikulang ito bilang instrumento para manghikayat ng suicide?

(Siya nga pala, gusto ko ring panoorin ang “Suicide Club”, Japanese film din)

Sigurado ako sa sarili na wala sa hinagap ko ang kitlin ang sariling buhay. Mahal ko ang sarili at maraming nagmamahal sa akin, kaya walang rason para magpakamatay.

Pero kung iisiping maiigi, lahat naman tayo ay nasa kasalukuyang proseso ng pagpapakamatay. Ang pagyoyosi at pagtungga ng alkohol ay katumbas ng pag-inom ng lason. Ang pagbubuga ng usok sa sasakyan, pagtapon ng dumi sa ilog, at pagsiga ng mga basura ay parang pagbibigti lang. Ang pagboto sa mga tiwaling opisyal ay pagbabaril sa sariling bungo.

Di ba?

(03 Pebrero 2008)