Open Letter sa mga Adik sa Pagbabate
31 01 2009Comments : Leave a Comment »
Tags: bate, masturbation
Categories : Atbp, Uncategorized
Shangri-La, Sept. 17, 2008
17 09 2008Tangina.
Comments : Leave a Comment »
Tags: senti, senti mode
Categories : Senti-Sentihan, Uncategorized
Ang mga Poor sa Mata ng Vogue India. Kamowns!
2 09 2008Sabi ng editor ng Vogue India, “fashion is no longer a rich man’s privilege. Anyone can carry it off and make it look beautiful.” At ‘wag daw masyadong seryosohin ang mga larawan.
Seryoso, “anyone can carry it off”? E, hello. Halos katumbas kaya ng isang buwang suweldo (o higit pa) ang presyo ng mga designer something na ‘yan. Sa bansa kung saan pilit pinagkakasya ang $1.25 sa isang araw para mabuhay? Kung saan in na in ang pagkakamatay para makatakas sa utang? Seriously? Regaluhan ko kaya ng isang orgy ng sampal ang editor na ‘yan. At I’m sure, ni hindi nila nahahawakan ang mga ganyang superluxury items. Malamang, ipagtatabuyan na sila bago pa man makapasok sa shop.
Kung sa tingin ng Vogue ay naiaangat nila ang imahe ng mga nahihirap sa India sa pamamagitan ng pagkuha sa kanila ng mga larawan habang hawak/suot ang mga bagay na simbolo ng kapangyarihan, aba, nagkakamali sila. Lalo pa ngang nababansot ang sektor ng mahihirap. C’mon. Ni hindi nga pinangalanan ang mga taong object ng larawan. Pero kung sikat na personalidad ‘yan, I’m sure, all-caps pa ang pangalan sa caption.
Sa kabilang banda, puwede rin namang tingnan ang mga larawan bilang komentaryo sa rich-poor gap sa India at sa iba pang mga bansang developing at underdeveloped. Napaka-powerful ng juxtaposition. Puwede rin naman itong tanawin bilang komentaryo sa pag-usbong ng consumerist society sa India. O sa mala-halimaw na epekto ng globalisasyon. Pero ang mga larawang ‘to ay makikita sa Vogue. Ano ba ang purpose ng magasing tulad nito? Go figure.
Ewan, pero naaawa ako sa mga taong kunuhanan ng larawan at sa mga taong nirerepresent nila.
Comments : Leave a Comment »
Tags: India, poverty, superluxury goods, Vogue
Categories : Angas lang, Current Events, Uncategorized
Iyakin
30 05 2008Nabanggit ko sa isang blog entry na di ako iyakin. Ang totoo n’yan, iyakin ako no’ng bata ako. Di naman talaga iyakin, medyo mababaw lang ang luha ko no’n. Lalo na ‘pag nanonood ng mga nakakaiyak na pelikula. Naiyak ako sa “Hihintayin kita sa Langit” at “Land Before Time”. At opo, pati sa ”Conan the Barbarian”. Ewan ko kung bakit. Baka nasindak lang ako sa mga ugat sa masel ni Arnold Schwarzenegger.
E, ayokong nakikita akong umiiyak no’n. Ang ginagawa ko, ‘pag malapit nang tumulo ang luha ko, kunwari iihi lang ako sa labas ng bahay. Tapos do’n ko na pupunasan ang luha. E, ang mga pinsan kong asar, minsan sinundan ako. Ayun, buking. Asar-talo tuloy ako sa kanila.
Ang huling nagpaiyak sa akin ay ang “The Kite Runner” at ang all-time favorite kong “Eternal Sunshine of the Spotless Mind”. Milyong beses ko nang pinapanood ‘to, pero hanggang ngayon, di ko pa ring mapigilang maluha sa kuwento nina Joel at Clementine.
Ang mga kaibigan ko, mabababaw ang luha. Si Mako, ay, ito ang numero uno sa iyakan. Ang lakas ng mga hikbi niya no’ng nanood kami ng “Kung ako na lang Sana” sa Megamall”. Hanggang ngayon, feeling ko, di pa rin siya maka-get over sa “Grave of the Fireflies” at “Dancer in the Dark”. Si Queenie, sinabi niya sa aking natuyuan daw siya ng luha sa “Evita” ni Madonna. Si Anne Marie, walang babala, bigla na lang naiyak sa pinapanood naming Thai comedy na may pamagat na “Metrosexual”.
Pero ngayon, di na ako masyadong naiiyak sa mga pelikula. Lalo na sa mga melodramang dinadrama pa. ‘Yong mga tipo ng pelikulang iniiyakan ko no’ng bata ako, tinatawanan ko na lang ngayon.
Comments : Leave a Comment »
Tags: cry baby, films, tears
Categories : Pelikula, Uncategorized
El-bi-em
17 05 2008Comments : Leave a Comment »
Tags: lbm, loose bowel movement
Categories : Angas lang, Uncategorized
Usapang Suicide
14 02 2008Hindi ako nakatulog kagabi. Natakot akong bangungutin, kunin ang kutsilyo, at pagsasaksakin nang walang humpay ang sarili. Naliligo sa sariling dugo. Gilit ang leeg. Wakwak ang tiyan. Labas ang bituka. Wala naman akong suicidal tendency, 100% sure ako riyan. Natakot lang talaga ako sa pinanood ko: “Akumu Tantei” (Nightmare Detective).
Japan, isang bansang may mataas na suicide rate, ang setting ng kuwento. Sa pelikula, tatawagan sa cell phone ng isang gusto nang magpakamatay ang lalaking nagngangalang “O”. Ito ang mangyayari: magpapapakamatay sila over the phone. Makikita ng manonood na sasaksakin ni “O” ang sarili, at pag turn na ng nasa kabilang linya para magpakamatay, isang misteryong nilalang ang brutal na papatay sa kanya.
Ito ang twist: Nangyayari ang lahat pag tulog na ang tumawag. Pumapasok sa panaginip niya si “O” at saka niya ito papatayin. Pero ang totoong nangyayari, ang biktima ang pumapatay sa kanyang sarili habang siya ay natutulog.
Dito ako natakot.
May isang eksena sa pelikula na habang nilalabanan ng babaeng bida (isang detective na sinubukang kausapin sa cell phone si “O”) ang antok, itinago niya lahat ng matatalim na bagay para wala siyang ipansaksak sa sarili sakaling bangungutin. Akala niya, naitago na niya ang lahat. Pero nang i-angat niya ang unan, may nakita siyang kutsilyo. HIndi niya alam kung gising pa siya o binabangungot na.
Siyempre, kinabahan din ako. Sinampal-sampal ko ang sarili para siguraduhing gising ako. Ibinalot ko sa newspaper ang kutsilyo sa bahay at itinago ko sa cabinet. Ni-lock ko pa para sigurado. In-off ko rin ang cell phone ko. Kung kaya ko nga lang igapos ang sarili, igagapos ko talaga. Gusto ko na talagang tawagan ang ilang kaibigan at makiusap na dito na lang sa place ko matulog. Para at least, may magbabantay, kung sakali mang may gawin akong masama sa sarili. Seryoso, napraning talaga ako sa pelikulang ‘to. Big time.
Pinapasok din ni “O” ang panaginip ng mga taong nagsasabing never pumasok sa isip nila ang magpapakamatay. Sina-suggest kasi sa pelikula na lahat ng tao, sa kaloob-looban nila, may maliit na boses na nagtutulak na magpakamatay sila. Dito nagka-capitalize si “O”.
Ang morbid ng iniisip ko matapos ang pelikula: “What if, kahit gaano ako ka-optimistic sa buhay, masulsulan ako ng boses na ‘yon na magpakamatay? What if, hindi na ako magising kinabukasan?”
At ang creepy, may ilang lines sa pelikula na paulit-ulit. Hypnotic. Pati ang tono, parang nanghi-hypnotize. Sabi ko sa sarili, hindi kaya may underground suicide circle sa Japan, at ginagamit ang pelikulang ito bilang instrumento para manghikayat ng suicide?
(Siya nga pala, gusto ko ring panoorin ang “Suicide Club”, Japanese film din)
Sigurado ako sa sarili na wala sa hinagap ko ang kitlin ang sariling buhay. Mahal ko ang sarili at maraming nagmamahal sa akin, kaya walang rason para magpakamatay.
Pero kung iisiping maiigi, lahat naman tayo ay nasa kasalukuyang proseso ng pagpapakamatay. Ang pagyoyosi at pagtungga ng alkohol ay katumbas ng pag-inom ng lason. Ang pagbubuga ng usok sa sasakyan, pagtapon ng dumi sa ilog, at pagsiga ng mga basura ay parang pagbibigti lang. Ang pagboto sa mga tiwaling opisyal ay pagbabaril sa sariling bungo.
Di ba?
(03 Pebrero 2008)
Comments : Leave a Comment »
Tags: Akumu Tantei, Nightmare Detective, suicide, suicide club
Categories : Pelikula, Uncategorized



