Ulan, Chicken Sopas, Ayn Rand

16 05 2008
Originally uploaded in The Firefly Forest
Maaraw nung nagising ako kanina. Medyo bad trip ako. Ine-expect ko kasing maulan. E, kagabi, ang lakas-lakas ng ulan. Basta. Masaya ako pag tag-ulan. Walang halong drama. Walang emote-emote-an.
Tapos ayun, narinig ko ang patak ng ulan sa mga yerong bubong. Sinabayan pa ng malakas na hangin. Nagsindi ako ng yosi. Wala nang tatalo pa sa kombinasyong yosi-tag-ulan. Ang lakas ng ulan at ng hangin. May bagyo yata. Sabi ko, sana lalo pang lumakas. pero binawi ko rin. Naawa kasi ako sa mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa tabing-dagat, at sa mga lugar na madaling bahain.
Pero yun. Ang saya-saya ko.

———-

 

 

Originally uploaded by Shai Coggins

 

Nagluto ako ng chicken sopas. As usual, disaster na naman. Wala yata akong ma-perfect na luto. Ang chicken adobo, nagiging pritong manok na may konting sabaw na di masarap. Ang bicol express, nagiging binagoongan. Ang inaraw, nagiging pinakbet. Yung chicken sopas, parang naging carbonara. Walang sabaw. Sa’n ka pa. At nag-uumapaw ang sahog na manok. Ang labas, manok na sinahugan ng sopas.

At dahil naubos ang gasul, sa rice cooker ko pinakuluan ang manok at iginisa ang mga sahog. Dito ko niluto ang chicken sopas. At dito ko rin ipinirito ang dalawang hita ng manok. Ayos na sana, pero nung nasa kalagitnaan ako ng pagluluto, nag-brown out. Pusang gala talaga! Ganun din nung nagluto ako dati ng adobo sa kalaliman ng gabi. Nasa kalagitnaan nang maubusan ng gasul. Nyemas.

Eto, mini-midnight snack ko ang chicken sopas na parang hindi.

———-


Nung Miyerkules ko pa binili ang “The Fountainhead” ni Ayn Rand, pero kanina ko lang sinimulang basahin. First pages pa lang ako, kasi nga, nag-brown-out. Mukhang magugustuhan ko ang akda. Sa simula pa lang kasi, nakikisimpatya na ako kay Howard Roark. Sana masustain ang interest ko hanggang sa huli. Medyo impatient kasi ako sa mga mahahabang nobela. Lalo na kung microscopic ang font size.





Bago ko Makalimutan

14 05 2008

Medyo sumasablay kasi minsan ang short-term memory ko, so kelangan ko nang isulat ‘to. Bago ko pa makalimutan.

May 10 – Naparami ako nang inom sa Gerry’s Grill sa Alimall. Di ko kinaya ang kalasingan kaya nagpahatid ako kay Steve pauwi. Nagsuka ako sa loob ng taxi. Kadiri. Pero sabi naman ni Steve, di naman daw nalaman ng driver. Siyempre, ingat na ingat talaga ako no’ng nagsuka ako. Walang tunog. Walang guwaaaarrrk! Wala ring plak! Akala ko nga nalaman, kasi umamoy. Maasim-asim. Parang lugaw lang na pinigaan ng kalamansi. At natawa ako sa dalawang candy sa suka ko.

May 12 – Birthday ni Mama. Muntik ko nang di ma-greet ng hamberdey. Ang daming kinuwento ni Anmare. Mga kamanyakan sa Cebu. hahaha. Ang hot talaga ng friend kong ‘to. Nag-pictorials din pala kami nina Anmare at Quens. Superhero ang theme. Pero nagmukha akong serial killer. Laro ng Cardinal Game sa bahay with Steve. Naknampusa, tumba uli ako. Malakas ang kalaban. Apat na SMB grande. Sobra, di naman ako talaga umiinom.

May 13 – Nood ng farewell concert ng UPSA sa Church of the Risen Lord with Anmare, Quens, Cyrho, and Mako. Bago pala ‘yan, binilhan ko sila ng lechon manok para sa lunch namin. Bumawi lang. Di na kasi ako nakabalik sa boarding house sa Dagohoy no’ng isang gbai. Di ko rin naisoli ang cell phone kay Anmare. Dinner sa Arcade after ng concert. Nakita namin si Charm at Tina. Sumunod si Brian, may dalang ice cream! Cookies and Cream! Yehey! Videoke sa boarding house gamit ang Xtreme Magic Sing (Exstrem, ekstrem magec seng – Manny Pacquiao).

May 14 – Comatose bored ako sa bahay. Lumabas ako at bumili ng “The Fountainhead” ni Ayn Rand. Basta, ang corny ng dahilan kung bakit binili ko siya. Naintriga kasi ako sa tunggalian ng lovers. Dumiretso ako sa Cubao, sa bahay nina Xandy at Jay. Nano’n na sina Anmare, Quens, at John. No’ng tanghali pa pala sila nando’n. Tawa kami nang tawa sa mga pinanonood na kahayupan sa Animal Planet. Lalo na ang mga matatabang sea lion na talagang ume-effort sa paggapang. Parang si Anmare lang. hahaha.