8th IYAS Workshop

1 05 2008

Ninakaw ko kayCharles at sa Multiply ni Carlo ang ibang pics dito. ‘Yong iba, galing sa ‘kin.

First national creative writing workshop ko ‘to
Ang ilan sa mga bida sa 8th IYAS Workshop.

Sa Balay Kalinungan habang nagtatahi ng mga kuwento para sa presentation.

Tambay muna sa tapat ng Chapel bago sumalang sa katayan.

Ang mga very nourishing at supportive na panelist.

Jonatan, Hedwig, Carlo, Ida, JV, En

Mitch, Margie, Charles, JM, Yvonne

Jessel, Mar, Jeff

Ako, nagka-cram na naman sa binabasang kuwento

Ano ba talaga, workshop o inuman?

Sige, laklak lang nang laklak.

May “signal” na

Charles, JV (aka Badem), Jeff, and En

Mitch, Ako, the very controversial JM, and Jonathan. “All text” na.

Sa Mambukal

Ang ganda rito. Yaya, nasa’n na ang mga trabahador?





Mga Mami-miss ko sa 8th IYAS Creative Writing Workshop

29 04 2008

Kelangan ko nang isulat ‘to bago ko makalimutan ang ilang detalye. First time kong um-attend ng national creative writing workshop at happy ako na IYAS (Apr 20-26, USLS, Bacolod) ang una ko. Eto’ng mga mami-miss ko:
1. Ang maghapong kain-katay-kain-katay-kain-katay (kumusta ‘yong gumrabe ang flabs ko).
2. Ang Lost ’80s concert.
3. Ang halos gabi-gabing “paglo-load” ng mga textm8rs.
4. Ang mga transition na asterisk, flower, at smiley
5. Ang bandang I Love You But I’ve Chosen Darkness
6. Ang “Ayoko nga!” ni Sir John.
7. Ang “Last comment na lang, kakain na tayo” ni Sir Tony.
8. Ang 4-inch Sto. Nino ni JV.
9. Ang giraffe ni Jessel.
10. Ang piss buddy ni Jeff.
11. Ang manggagaok ni Carlo at ang Tatlong Buddhang Ina ni Ida.
12. Ang floating head ni Margie.
13. Ang prepaid ni Mitch.

14. Ang kakulitan ni En.
15. Ang ka-Kris Aquino-han ng roommate kong si JM.
16. Ang 41 years old nang si Hedwig (naliligo raw siya ng dugo ng baklang vigin, ‘yon ang sikreto ng youth niya).
17. Ang paggala namin sa capitol nina Jeff, Jessel, at Jonathan at panonood sa mga isdang di namin mawari kung ano.
18. Ang Better Than Sex dessert sa Sweet Greens.
19. Ang 2-in-1 na sina Carlo at Ida.
20. Ang buhok ni Charles.
21. Ang pagtungkod ni Margie sa table dahil may “signal” na.
22. Ang bell.
23. Ang Balay Kalinungan.
24. Ang staff na sinungitan kami nina Hedwig at Jonathan dahil sa yosi.
25. Ang bentang-bentang si Twinkle (taob si JM).
26. Ang Manokan Country, Chicken Bacolod, Pendy’s, Bongbong’s, Calea, Gaston House, The Ruins, Pana-ad, Book Sale, National Bookstore
27. Si Javier Bardem
28. Ang panlilibre sa amin nina Jessel at Jonathan ni Sir Tony ng La Paz Batchoy at pagdala sa amin sa SM supermarket para tumingin-tingin ng mga isda.
29. Ang dinner sa bahay nina Dr. Coscolluela.
30. Ang pagsugod sa ulan kasama sina Jeff at Mitch matapos kumain sa Chicken Bacolod (oo nga, mas masarap ang insal dito kesa sa manokan Country)
31. No’ng inulan kami nina Twinkle, JV, Jon, JM, En, at Yvonne sa opening ng Pana-ad.
32. Ang Bob’s Cafe sa tapat ng La Salle.
33. Ang panonood ko ng Forbidden Kingdom sa SM Bacolod (P70 lang ang ticket, sa’n ka pa?)
34. Ang oyster na pinulutan na dala ni Jeff.
35. Ang mga debateng iisa lang naman ang pinatutunguhan.
36. Ang mga comments ni Mitch sa plenary.
37. Ang room 2004 at ang pagbaha sa banyo.





Wohoo!

17 04 2008

May tumatawag sa akin sa cell phone kanina. Tawag nang tawag. Pero di ko sinasagot. Baka kasi ‘yon ‘yong pinagkakautangan ko, o ‘yong trabahong di ko sinipot, o ‘yong stalker ko (meron talaga, pramis). Di rin ako nakatiis. Sinagot ko, baka kasi nanalo ako sa raffle or something.

Panalo nga! Sabi ng babae sa kabilang linya, pasok daw ako sa 2008 IYAS Creative Writing Workshop. Isa ako sa 15 fellows. Siyempre, nagtatatalon-talon ako. First time ko kayang makasali sa ganitong workshop. Ibinasura man ng UST-CCWS National Writers Workshop ang etries ko (suspetsa ko, nabastusan sila sa pagbanggit ko ng puke, titi, salsal, kantutan, susuhan sa mga akda ko), haping-hapi naman ako at napansin ng IYAS ang talent ko (meron din pala ako nun, akalain mo).

(April 6, 2008 )