Ramdam na Ramdam na

25 01 2009

Si June. Pulang-pula na’ng mukha. Hindi na maibuka ang talukap ng mata. Nakangisi. Ngising di malaman kung nangmamanyak o nang-iinis o wala lang. Nakasandal sa monoblock chair. Si Brian. Dinedemostrate kung pa’no kinantot ang girlfriend sa loob ng isang kuweba sa Rizal. With matching ooohhh…aaahhh…ooohhh. Bidang-bida ang pakiramdam. Si Chely. Pudpod na ang mga daliri sa katetext. Parang nilukot na papel ang mukha. Panay ang buntung-hininga. Panay ang bulong ng “Leche.” Si Rene. Paubos na ang isang kaha ng Gudang Garam. Umuubo, dumidighay, at umuutot na ng usok. Si Rhona. Ikinukuwento ang mga nabasa tungkol sa mga bampira at zombie habang walang tigil sa pagpapak sa malamig nang sisig. Habang hinahaplos ang tenga ni Rene. Si Mother Darla. Isinasayaw ang “Single Ladies” ng idolong si Beyonce. In full choreography mode. Walang kapaguran. Si Butch. Sige sa pagkuha ng litrato ng mga kaibigan. Mga litratong ipopost sa Multiply at Facebook at papamagatang “Eto ang Itsura ng mga Nawalan ng Trabaho.”





Perfect Attendance

3 01 2009

Perfect attendance. Never kong na-achieve ‘to no’ng nasa college ako. Sabi ko, e ano naman ang .25 na reward sa class card sa pagtatapos ng sem kumpara sa magdamagang laklakan ng gin pomelo (ito pa’ng uso no’n) sa dorm, movie marathon sa Film Center (Cine Adarna na ngayon), at sunugan ng baga with friends sa Sunken Garden (smoking zone pa ang UP no’n). Halimaw lang ang nakaka-perfect attendance. 


Ganito rin sa trabaho. Kelan lang, in-award-an ang mge empleyadong may perfect attendance sa buong 2008. Ilan silang mga halimaw. Sila ‘yong never nag-absent (obviously), never nag-half day, never na-late, never nag-undertime, never nag-leave, at never gumamit ng offset. Isang taon. Imagine that, isang taon!

Sila ‘yong tipong ginagawa nang bahay ang office. ‘Yong di namamatayan ng mga kamag-anak. ‘Yong immune sa lahat ng uri ng sakit, kahit sipon at ubo. ‘Yong di immune sa sakit pero nagrereport pa rin sa trabaho kahit tumitirik na ang mga mata at mangisay-ngisay na sa pagdedeliryo. ‘Yong nagigising sa tunog ng alarm clock. ’Yong kayang hawiin ang mga pukenenang sasakyan sa EDSA a la Moses tuwing peak hours. ‘Yong walang barkadang nangingidnap. ‘Yong ginagawang cocaine ang trabaho at ikamamatay ang pag-absent. ‘Yong obsessed na maging Employee of the Year pandagdag bango sa resume.

Ang reward ng isang taong walang kupas na serbisyo sa kompanya? P10,000 plus certificate of recognition. Wow. Puwede na. Kapalit ng mahahalagang oras para sa sarili, pamilya, at kaibigan? Puwedeng-puwede. As in.




Seppuku

19 07 2008
Magtatatlong linggo na ako sa trabaho. Ayos naman. Nag-a-adjust pa rin. ‘Yon nga lang, di ko talaga kayang labanan ang pagkainip. Nagfa-flash talaga sa harap ko ang salitang INIP. Pa’no kasi, 2am pa lang, tapos na ako sa mga ginagawa ko. E, 6am pa ang end ng shift. Gustuhin ko mang matulog, bawal. Kulang na lang, lagyan ko ng tungkod ang talukap ng mga mata ko. Di naman ako puwedeng uminom ng kape, na nagapahilo at nagpapasuka sa akin. Pamatay talaga. Para akong nasa isang emergency room. Comatose.
Mabuti na lang at puwedeng lumabas kahit anong oras. Ayun, para akong kapreng nananabako sa gilid ng swimming pool. Mas gusto ko ‘yong ako lang ang mag-isa. Solo ko ang lugar. Para makapag-emote na rin (minsan kasi ang sarap lang ng feeling na nag-eemote ka). Pero minsan, natitiyempuhan ko rin dun ‘yong isang barkada. Iritang-irita ako sa tinis ng pagtawa ng babaeng feeling close sa akin no’ng unang araw (gabi) ko sa trabaho. I-add ko raw siya sa Friendster o sa Facebook. Lukaret. Ang sarap hugutin ng ngalangala at lunurin sa pool.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakakausap sa team namin. Hanggang hi-hello lang kami. Walang progress. Gano’n pala ‘yon. Paminsan-minsan, naghahanap ka rin ng makakausap para pumatay ng oras. Pero ayos lang, sanay na ako do’n. A, no’ng Biyernes pala, nakakuwentuhan ko ‘yong isang babae sa team namin. So far, siya pa lang ang nakikita kong may sense of humor (e kasi siya pa lang naman ang nakakakuwentuhan ko talaga) . Ang pinagkuwentuhan namin: SEPPUKU.
——–
Sa mga gusto akong i-psychoanalyze, nagkakamali kayo ng pagbasa. hahaha.