Wala na bang Gentleman Ngayon?

12 03 2009

2500766129_95a63d2485

North Avenue Station. Unahan ang mga puwet sa pag-upo. Balyahan kung balyahan. Minalas ang sa ‘kin at kalahati lang ang nakaupo. Bad trip.

Quezon Avenue Station. Ilang puwet pa ang nagnasang makaupo. Dalawang aleng may kasamang bata ang pumuwesto sa harap ko. Pumikit ang mamang nasa dulo. Walang balak ibigay ang upuan. Tumayo ang katabi ko at pinaupo ang mas matandang babae. “Hay salamat,” sabi niya. Kinalong niya ang bata. Sa tapat niya tumayo ang kasamang babae. Panay ang tingin sa akin. Umaasa yatang gentleman ako. Tiningnan ko lang siya at lalong isiniksik ang puwet sa kinauupuan.

Cubao Station. Bumukas ang pinto. Walang pakundangan ang mga pasahero sa pagpipilit na ipasok ang katawan sa train. “Aray ko naman!” reklamo ng dalagang di ko alam kung naapakan ang daliri sa paa o nalamas nang mariin ang suso. Tatlong babae ang pumuwesto malapit sa akin. “Wala na bang gentleman ngayon?” tanong ng aleng katabi ko sa kasama niya. Pasaring na rin sa ‘kin to at sa iba pang mga lalaking nakaupo.

Gusto kong sabihin, “’Nay, di porke babae kayo, pauupuin na namin kayo. Ano kayo, sinisuwerte? Nauna ako sa puwesto, so manigas kayo. Pareho lang tayong nagbabayad. Kung pagod kayo, pagod din ako.”

Nagtulug-tulugan lang ako.

Bulong naman ng kasama ng aleng katabi ko (na narinig ko dahil wala naman talaga siyang balak sarilinin ang reklamo), “Grabe na talaga ang mga lalaki ngayon.”

Nangangati akong sabihin, “Ano bang nirerekla-reklamo mo diyan? Humihingi kayo ng equality, at sinasabi ninyong di kayo mahina, bakit di ninyo pangatawanan ‘yan? O baka naman ginagamit mo ang pagiging babae mo para makuha mo ang gusto mo? Sorry, ale, pero di uubra sa ‘kin ang ganyang modus operandi.”

Binasa ko na lang ang ilang tulang isinalin sa Filipino na nakapaskil sa MRT para mahupa ang kumukulo ko nang dugo.

——————————–

Ang nakakainis pa sa MRT, bakit kailangang ihiwalay ang mga babae sa mga lalaki. Okay, fine. On the one hand, disadvantaged ang mga babae dahil nasususugan ang mapangbansot (haha, very tibak) na tingin sa mga kababaihan bilang kasarian na mahina at dapat protektahan. On the other hand, disadvantaged ang mga lalaki dahil maraming babae ang nagpupunta sa puwesto ng mga lalaki, therefore, mas masikip. Sige, sundin natin at pangatawanan natin ‘yang segregation na ‘yan. Kung hindi tumatanggap ng mga lalaki sa women’s area, dapat hindi rin tumatanggap ng babae sa men’s area. O bakit hindi na lang tanggalin ang tanginang hindot na segregation na ‘yan?





Kuwentong Kabuwisitan sa MRT

20 08 2008
Understatement pa ‘tong picture na ‘to.
Dahil marami na’ng nai-blog tungkol sa mga out of this world experience sa MRT – sa mga binting tinubuan na ng varicose veins dahil sa usad-pagong na pila, sa mga ale’t mamang walang konsepto ng pagpila, sa mga tsikadora(o)ng nagbebenta ng tiket, sa mga volunteer na aabot sa 1oth floor ang taas ng kilay kung di ka maglalaglag ng barya sa lata, sa makatunaw-pasensiyang paghihintay sa pagdating ng susunod na tren (na kung talagang mamalasin ay lalampas at di magsasakay), sa tsunami ng taong gustong makapasok, sa kiskisan ng mga pawisang body parts, sa consensual na tsansingan, sa mga taong hinihingahan ang batok ng nasa harapan, at milyon pang iba – magko-comment na lang ako sa mga health reminder na naririnig ko sa loob ng MRT.

Pag-burn ng calories

“Alam mo na bang puwede kang mag-burn ng calories kahit nakaupo sa MRT?” Sabi sa isang patalastas. Siyempre, interesado ako kung ano ang explanation ng nagssalita rito (although may idea naman ako sa mechanism ng pag-burn ng calorie). So pinakinggan kong mabuti ang susunod niyang sasabihin.

“Ang lalaki ay mas mabilis mag-burn ng calorie kesa sa babae…boka boka boka…Kasi mas active ang mga lalaki…boka boka boka.” HUH? So pa’no nga nagbu-burn ng calories ‘pag nakaupo sa MRT. Ini-expect kong sasabihin niyang magalaw kasi sa MRT kaya nawo-workout ang katawan o sobrang mainit kaya pagpapawisan ka. Sa’n nanggaling yung mas mabilis mag-burn ng calories ang mga lalaki? Dyuskopo, diyos ng non sequitur ang nagsulat ng commercial.

Alam ko, di naman siya big deal talaga para sa iba (no reaction nga ang mga nakasakay sa MRT dito, e). Pero di talaga ako napakali no’ng una kong narinig ‘to. Ang masaklap pa, araw-araw ko siyang naririnig. Mula Shaw Boulevard hanggang North Avenue, ilang beses na inuulit ‘to. Niluluga ang tenga ko.

Pagkain ng prutas

Ito pa’ng isang nakakapagpataas ng altapresyon ko tuwing umaga. Ang sabi sa health reminder (hindi verbatim): “Sanay tayong magbalat at kumain ng prutas pagkatapos kumain. Alam niyo bang hindi dapat kumakain ng prutas pagkatapos kumain? Ito ay dahil sa component nitong…boka boka boka… na mainam sa katawan kung walang laman ang tiyan.”

So anong mangyayari sa akin kung ‘pag kumain ako ng prutas after every meal? Mamamatay ba ako? Mababaliw ba ako (malapit na, lecheng health reminder ‘to)? Ang labo kasi, e. Hindi ipanaliwanag ang mangyayari ‘pag kumain ka ng prutas nang may laman ang tiyan. Sabi sa unang linya, “may laman ang tiyan”, hindi “walang laman ang tiyan”. Sino ba’ng nagsulat ng health reminder na ‘to at nang mapabarang na.