Eto’ng Nakapanggagalaiti/Nakakainis/Nakapang- hihinayang

29 12 2008

 

Magsusulat ka ng blog tungkol sa masquerade ball ng kompanya na ayaw mong siputin no’ng una dahil required kang mag-dress to the nines, magsuot ng maskara to go with the theme, at dahil may naka-schedule kang labing-labing with special someone that night pero nag-decide ka pa ring manghiram ng maisusuot na formal wear, suungin ang swarm ng mga tao sa Divisoria para magpa-customize ng Joker-style mask, at i-reschedule ang labing-labing dahil umasa kang mananalo ka sa pa-raffle ng ref at washing machine at para sa Christmas basket na ‘yong tipong ipinamumudmod sa mga nasalanta ng bagyo, baha, landslide, mudslide, sunog na magagamit mo sa Pasko, na wala rin namang nangyari in the end (maliban sa nakailang beses kang nagpabalik-balik sa buffet table at libreng beer) dahil hindi ka nanalo sa minor at major raffle draws samantalang halos lahat ng ka-share mo sa table ay natawag, dahil sa susunod na linggo na raw ibibigay ang basket, at dahil di ka na nakahabol sa labing-labing with your special someone na nagtampo sa ‘yo – at magka-crash ang browser at hindi na ma-recover ang ilang paragraph na isinulat mo.


  

 





You’re Such a Bore!

10 09 2008

Na-verbal abuse na naman kanina ng centuries-old kong propesor sa pagsulat ang isang kaklaseng itago na lang natin sa pangalang Abused Guy. As usual, di na naman pumasa sa taste ni Propesor Halimaw ang short story ni Abused Guy. Nag-attempt kasing magsulat ng erotika na di naman talaga nakakatigas ng burat (makakatikim ng isang matinding roundhouse kick ang sinomang magssabing bastos ang bunganga/utak/daliri ko). Ayun, nasabihan tuloy ng: “You’re such a bore.” Buti nga at matigas ‘tong si Abused Person, e. Kung ibang tao siguro ‘yon, baka umiyak na at nag-walk out. O nagpunta sa banyo at ginilitan ang sariling leeg. O nag-amok at hilahin ang dila ng paborito kong propesor.

Tangina. Sabihan ka ba namang boring ka. Ang sakit kaya nun. Abot hanggang buto. Si Abused Guy din ‘yong nasabihan dati na “Baka naman kasi mababa ang IQ mo kaya di mo maintindihan”, “Wala kang pag-asa, iho”, at “‘Wag kang magpapa-impress sa akin”. Nakalimutan ko na ‘yong iba. Kanina sa klase, bawat sentence ng kuwento ni Abused Guy, tinatadyakan ng halimaw na writer/professor. Sabagay, maging ako, muntik nang takasan ng bait sa sinulat ni Abused Guy.

Medyo na-guilty nga ako kasi pinagtawanan ko rin ‘yong kuwento. To think na magkatabi pa kami ni Abused Guy. Ang lakas ng tawa ko sa “pumanhik sa gate” (wow, ayos ang gate, may hagdan), “hinimas ang buong katawan” (isa pang wow, isang umaatikabong quickie pero may time pa para himasin ang talampakan, singit-singit ng mga daliri sa paa, braso, kilikili, etc., etc.), at “habang tinutuklas namin ang katotohanan ng buhay” (rakenrol!).

Habang wino-workshop ang kuwento ni Abused Guy tinanong ako ni Propesor Halimaw kung nagandahan daw ba ako. Sabi ko, “Napangitan po”. Tinanong din kung ano na lang ang natira sa kuwento na puwedeng i-revise. Sagot ko, “Wala na po.” Tinanong din niya ako kung ipa-publish ko ba ang kuwento ni Abused Guy kung publisher ako. Siyempre hindi ang sagot ko. Ang harsh talaga, pero ‘yon ang totoo. Nagmadali akong lumabas pagkatapos ng klase. Mahirap na, baka resbakan ako ni Abused Guy. Pero cool lang naman siya.

Naalala ko tuloy ‘yong sinasabi ng mga panelist at ilang co-fellows ko sa IYAS. Sa La Salle at Ateneo raw kasi, very nurturing ang mga propesor dun. Tinanong ako kung pa’no mag-workshop sa UP. Sabi ko, katayan talaga. Reality check kung reality check. Kung sa tingin ng mga propesor wala kang future sa pagsusulat, sasabihin nilang, “Iho, mas mabuti pang maging critic ka na lang”. Nakaka-discourage talaga. Pero I take it as a challenge. Langya, sino sila para pagsabihan akong di ako marunong magsulat? Ako, boring? Hindot nila.

So ‘yon. Kaya nga labs na labs ko si Propesor Halimaw.





Pero Eto Ako Ngayo’t Jumejebs ng mga Salita

20 07 2008

Isang linggo na akong naglilimlim ng itlog, pero wala pa ring nangyayari. Gusto kong maging high-quality (kung di man for export) ang itlog. Gusto kong pasarapin nito ang sopas o tortang talong o lahat ng -silog sa mga turo-turo. ‘Yong tipong makakaramdam ng langit (mas gusto ko ang impiyerno) ang sinumang makakain sa pinaghirapan kong limliman.

Inilabas ko na ang lahat ng init sa katawan at utak ko, pero mukhang magiging bugok ang itlog. Nagkulang ba ako sa sustansiya? Naging pabaya ba akong mangingitlog? O, baka kulang lang talaga ako sa init – dahil sa lumulubog-lumilitaw na inspirasyon?

——

Dagdag: Ang tanga ko. Haha! Inedit ko na. Di ko sasabihin kung ano’ng inconsistency ‘yon. Haha!





Aftertaste

11 06 2008
Dalawang beses na akong nagsusuka. Halos mailuwa ko na ang large intestine ko. Pa’no kasi, di matanggal-tanggal ang lasa sa bibig ko ng kinain kong pritong bangus. Napudpod na ang ngipin ko at dila sa pagtu-toothbrush. Nakailang mumog na rin ako ng mouthwash. At di rin umubra ang sandamakmak na menthos. Bad trip.
————–
Kahapon, sabi ko, ayoko nang mag-aral. Pero na-excite ako sa unang araw ng klase kanina. ‘Pag nakakausap ko talaga si Mang Jun tungkol sa pagsulat, naeengganyo talaga akong magpursigeng tapusin ang MA ko. Aaminin ko, minsan-minsan lang nangyayari ‘to, pero muntik na akong makatulog sa klase niya kanina. Pero no’ng nagkape at nagyosi kami sa labas ng FC, nabuhayan uli ako. Usap-usap tungkol sa kaibahan ng pantasya sa erotika, sa dyogaang babae sa Sarah’s, postmodernismo, mga mala-sleeping pills na akda. Habang kasagsagan ng delubyo.
————-
Gustung-gusto ko ‘yong nasosorpresa ako. Kanina, walang-wala akong pera. Tapos nakita ko si Ate Abby. Binigyan niya ako ng P500. Saka ko lang naalala, may hiniram pala siya sa akin dati. E di ayos na ang butu-buto. Eto pa, nagulat ako no’ng nakita kong nakapost sa UP Institute of Creative Writing ‘yong flash fiction ko. ‘Yong tungkol sa multong babae sa tren. Ang saya-saya. Akalain mo.