Binyag

July 9, 2016

20160709_170532

Nilalagnat, pero sumugod pa rin sa Virgin Labfest. Wooooo! Thirteen plays–kasama ang Rak of Aegis, ‘yan, finally–in three days. Nakakabangenge. Para akong baliw sa kakatawa, kakapalakpak, at kakapadyak (gusto kong kurutin ang mga katabi ko, pero may konting pagpipigil pa rin, siyempre). May ilang moments na muntik na akong mag-a la Nora Aunor sa Ina Ka ng Anak Mo, hirap sa pagpigil sa pagtulo ng luha sa kaliwang mata. Minsan, kapag may mga chakang eksena, pumipikit na lang ako para hindi makita ng iba ang pag-roll ng eyes ko. Kapag winner naman, napapa-fist pump ako at gustong sumigaw ng “Ajde!” na parang si Ana Ivanovic.

Anyway, kung sustansiya ang pag-uusapan panalo ang:

  • Hapagkainan – Patawa, pero grabe ang sipa ng prim and proper slash butangerong pamilya. May kilala akong ganito. Haha! Bumitaw sa karakter ang nanay at tatay, pero oks lang. Riot.
  • Ang mga Bisita ni Jean – Hindi perpekto, pero gusto ko ang ambisyon at proyekto. Mukhang nag-research naman, although parang hindi ako convinced na galing silang bundok.
  • Bahay-bahayan, Tagu-taguan – Gusto ko rin ang proyekto. Timely. Sayang nga lang at hindi ganoon kalakas para sa akin ang pagganap. Tsaka lost ako rito. Haha!

In terms of entertainment value, kung saan ako pinakanatawa (ito naman yata ang uso sa maraming playwright ngayon, ang magpatawa) bet na bet ang:

  • Mula sa Kulimliman – Naiyak (nautot pa nga yata) sa katatawa ang kasama ko. Puwedeng gawing series ito.
  • Loyalist – Relate na relate ako, siyempre. Medyo ambivalent lang ako sa ending. Sa isang banda, gano’n naman talaga ang madalas na dynamics ng nagbabangayang mag-ina. On the other hand, so ano na? Hanggang do’n na lang ba?

Special mention ang:

  • Daddy’s Girl – Gusto ko ang discomfort na ibinigay ng una sa audience. Magagaling ang actors at, siyempre, ang lighting. Medyo naiirita lang ako sa mga misplaced na patawa.
  • Ang Bata sa Drum – Walang paandar, pero ito ang pinaka-heartfelt sa lahat ng napanood ko. Gusto ko ang atmosphere. Tahimik. Malungkot.

Ewan ko, hindi ko gaanong nagustuhan ang:

  • Marte – Hindi ako convinced sa nilikhang futuristic na mundo. Although gusto ko pang makakita ng mga ganitong specfic thingy in the future sa VLF.
  • Bait – Na-distract ako sa looooong silence at incomplete sentences. I’m not sure kung nakalimutan ang lines o namumutiktik lang sa ellipsis o em dash ang script. Imbes na mag-focus ako sa eksena, kinakabahan ako na magkakalat ang actors. Sayang, mukhang maganda pa naman ang materyal.

Ayun, tatlong araw na natawa, nalungkot, na-inspire, nairita. Kaka-drain! Congrats! May Set A pa bukas. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang panoorin.

P.S.

Sana makapasok naman ang entry ko next year. Juice ko, quotang-quota na ako sa rejection, ha. Hindi na nasundan ang debut ko no’ng 2012. Haha!

 


2014, Umayos Ka!

January 2, 2014

Year of rejection ang 2013 para sa akin. Walang Palanca, walang Virgin Labfest, walang Likhaan. Wala, wala, wala! (Carlo Aquino, ‘wag ka munang umepal, please). Ang sabi ko no’ng 2012, go lang nang go, join lang nang join. Gano’n nga ang ginawa ko. Pero ang nangyari, go lang nang go ang dating ng rejection emails mula sa mga journals, anthologies, at contest na sinalihan ko. Naitanong ko pa nga sa sarili, isang gabing perfect ang lighting para mag-emo, baka wala naman talaga akong talent sa pagsusulat. Baka tsamba lang ang mga nangyari no’ng 2012. Bakit feeling ko walang validation? Sadsad sa magaspang na sahig ang self-esteem ko.

Lalo na’t naging parang patabaing baboy ako. Hirap akong umakyat ng hagdan. One by one, nababawasan ang mga damit na kasya sa akin. Hinihingal sa pagsusuot ng medyas. Namanas ang pisngi. Nagka-boobs. Naging butete. 71 kilos! Sa’n ka pa.

Isa pa, 2013 was the year na nawalan na akong ganang magturo. Mga super tamad at super brat at super pasaway na estudyante, mga gurong nagdudulot ng sore eyes, mega chakang classroom, kininang large large lecture class policy, kahindik-hindik na tax, biyaheng nakaka-comatose, bara-barang K-12 at ASEAN 2015 integration. Lahat nang ito nang walang naiipon. Imagine? Tama na, ayoko na!

Gayunpaman, happy ako sa tagumpay ng mga kaibigan. May nagtapos ng MA, may nakabalik sa pag-aaral, may ikinasal, may nagka-lovelife, may nagka-sex life, may nangibang-bayan, may na-promote sa trabaho. May gumanda ang katawan (tigilan ninyo ako sa mga selfie ninyo sa gym!), may pumuti (salamat sa glutamax), may umunat ang buhok (gudlak sa pagme-maintain, ‘te). Anoman ang motivation ninyo, happy ako na na-achieve ninyo ang gusto ninyo.

Kaya nga kelangan kong bumawi sa 2014. Go lang nang go at join lang nang join sa mga call for entries at contest, kahit na ma-reject pa. Pinagpapala ang taong hindi sumusuko. ‘Di ko ipinapangako, pero susubukan kong i-maximize na ang Gold’s Gym (walang panahon sa katams) at goodbye na sa yosi (isipin na lang ang nakitang poster sa ospital). I say goodbye na rin sa pinagtuturuan ko and hello, Japan, Japan, sagot sa kahirapan. Ayun lang. And I wish everyone a healthy year ahead.

2014, umayos ka!


Debosyon: Of Religion and Folklore

July 29, 2013

Synopsis: A Bikolano devotee of Virgin of Peñafrancia finds himself lost in the middle of the forest. He gets injured and falls unconscious. When he wakes up, he meets a mysterious woman singing in the forest in the middle of the night. This is the love story of a goddess of Philippine folklore falling in love with injured and lost young men in the forest.

The film (directed by Alvin Yapan) had me at Paolo Avelino having sex with a babaeng-ahas (Mara Lopez), the embodiment of the cursed goddesses of Philippine folklore. I was half-expecting that the babaeng-ahas would squeeze Paolo to death, then swallow him whole only to regurgitate him. This would be a great tragedy for the cursed babaeng-ahas/ Daragang Magayon/ Mariang Makiling/ bakunawa/ aswang/ mangkukulam.

The final scene, the abrupt ending, has Mara asking Paolo why he came back. He answers, “Dahil nakita ko sa mga mata ng Birhen ng Penafrañcia ang iyong mga mata.” Blackout. Genius.

4.3/5 stars


Rekorder: Nakakabundat Pero Di Nakakabusog

July 29, 2013

Synopsis: REKORDER tells the story of a former 1980’s film cameraman who now currently works as a movie pirate operating in present day Manila. He routinely smuggles a digital camcorder into movie theaters in order to illegally record films. One night he records something else… And the footage goes viral.

Hindi ako solb sa “Rekorder” ni Mikhail Red. May pagka-preachy at predictable. Kalagitnaan pa lang, alam na ang kuwento ni Maven. Ni-reveal na sana ang dapat i-reveal. But no. Binatak nang binatak nang binatak at pinaabot pa hanggang dulo. Ang resulta: Zzzzzzz.

Isa pa, overused ang shots ng high-rise buildings. Kakaumay. Pahabol: Misleading ang synopsis. Bumenta sa akin ang “One night he records something else… And the footage goes viral.” Pero, jusme, hindi naman diyan umikot ang kuwento. Akala ko thriller, pero hindi.

Para akong lumamon sa isang all-you-can-eat buffet, nabundat pero hindi nabusog.

 

2.8/5 stars


Quick Change: Ang Collagen ang Bagong Diskurso ng Kabaklaan.

July 28, 2013

Speaking of collagen…

Panalo ang “Quick Change” ni Eduardo Roy, Jr. Ako lang yata ang natawa sa Dorina Pineda at Lavinia Arguelles reference at sa pag-utot ng beking tinurukan sa puwet at mga beking hirit ng batang si Hiro, Pinigilan kong tumawa nang malakas. Nakakahiya naman kasi sa prim and proper crowd. Hindi appreciative ang crowd. Palibhasa, walang muwang sa pop culture. Nakaka-miss tuloy ang Cinemalaya Goes UP na tinanggal daw sa programa dahil hindi naman kumikitang kabuhayan. Commercialized na ang Cinemalaya, ‘no.

Anyway, ang pelikula ay hindi tungkol sa nangungusap na mata, kissable lips, washboard abs, mabilog na puwet, at frontal nudity ni Uncle Uno. Pasensiya, di ko maiwasang mag-objectify. Tao lang.

Tungkol ito sa mga beking nagpapaturok ng collagen. Dahil ito sa pangangailangang manalo sa beauty contest, at mapanatili ang trabaho, mapasaya ang mga lalaking kinakasama. Ang iba, adik lang talaga sa tusok ng karayom at sa pakiramdam ng collagen.

Ang sabi nga ng kaibigang kasamang nanood, bagamat tinatalakay pa rin ang HIV/AIDS at diskriminasyon, ang collagen ang bagong diskurso ng kabaklaan.

Mahusay ang transformasyon ng karakter ni Dorina. Nagsimulang sunshine girl, naging cynical. Bagamat ‘di ko naintindihan kung bakit ipinagpatuloy pa rin niya ang iligal na gawain matapos ang ilang seemingly epiphany moment niya.

Watch it.

3.80/5 stars


The Diplomat Hotel: Mas Maganda pa ang “Shake Rattle & Roll”

July 28, 2013

Napakamot na lang ng ulo matapos panoorin ang “The Diplomat Hotel” ni Christopher Ad Castillo. Ang sabog lang talaga. Mukhang may promise sa simula, pero na-confuse ang pelikula sa bandang gitna at huli. Ang gulo-gulo lang. Parang nagsulsi ng pantalon na agad ding nasira nang isuot dahil bara-bara ang pagkakasulsi. Marupok at walang direksiyon.

Sino ba si Herman Tau? Ano ba talaga ang role ng gusgusing nanay? Sino-sino ang multo? Ano ang nag-uugnay kina Herman Tau, cameraman, at anak ni Herman Tau? Sinong timang ang naniniwalang award-winning reporter si Veronica? Bakit ang pintog ng pisngi ni Greta? Galit ba ang script writer sa kanya kaya pinahirapan ang dialogue niya? Bakit hindi ko namukhaan agad si Mon Confiado (Ang Cinemalaya ang panahon ng pagsulpot ng alamat na si Mon Confiado. Very rare sighting. Kalebel ng Bigfoot at Loch Ness Monster)?

At naman, Greta, ‘di talaga benta sa akin ang akting mo rito. Pero panalo ang cheekbones mo, ‘teh.

Should you watch “The Diplomat Hotel”? ‘Wag na. Aksaya lang sa pera at panahon. Mas maganda pa nga ang mga latest edition ng “Shake Rattle and Roll”.

2/5 stars


Para akong nasa isang opening sequence ng isang pang-Cannes at Berlin at Venice na indie film

June 23, 2013

Image

Nakasandal sa mapanghing poste (na may nakasulat na ‘mga gagong gwardya, wag kayong umihi dito’) sa EDSA-Munoz malapit sa Walter Mart, dinadaan-daanan at binubunggo-bunggo ng mga pawisang katawan, binubugahan ng maitim na usok mula sa tambutso ng mga bust at jeep, habang nakikinig sa Orinoco Flow ni Enya sa iPod Shuffle.