Incomplete

Di na ako nagulat no’ng nakita ko’ng grades ko last sem. Incomplete ako kay sir Apo Chua at mam Will Ortiz. Pa’no kasi, apat na beses lang yata akong pumasok sa walang kamatayang “dayakroniko/sinkronikong” klase ni Sir Apo. ng dami ko ring absences sa klase ko sa Pagsusuri ng Textong Kritikal kay Mam Will. Wala akong magagawa, na-stroke ang tatay ko. kelangan kong alagaan.

Medyo napa-summersault lang ako kasi incomplete din ako kay Mang Jun. Akala ko kasi naihabol n’ya ang grade ko. No’ng ibinigay ko kasi sa kanya ang limang kuwento ko, late ako ng isang oras. Naisabmit na raw niya sa Department ang grade ko. Pero matapos makipagkuwentuhan tungkol sa performance ko at ng iba kong kaklase sa MP 210 at ipakita ang mga natapos at tinatapos niyang painting, sabi niya, susubukan n’ya raw ihabol ang grade ko. Di rin pala naihabol. Hay, hassle. patayan na naman sa pagko-complete.

Kelangan ko pang kumuha ng completion form sa Graduate Studies office, hagilapin at papirmahin si Mang Jun, ang Department Chair at si Sir Leo Zafra sa Dean’s office.

Hay buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: