Serbis and Indie Crap

“Serbis”, originally uploaded by paderewski
Alam naman na siguro ng lahat na kinatay at itinapon ng mga kritiko sa kangkungan ang “Serbis” ni Dante Menoza sa Cannes Film Festival. Sabi ng isang kritiko: “Finally, what would a Cannes Competition be without a head-scratcher? So far that would be Brillante Mendoza’s ‘Service’ from the Philippines. A 90-minute wallow in frighteningly bad sound and camerawork, nonacting, relentless degradation and sex, the film seems to be here for one reason — to give the festival its annual jolt of graphic oral sex.”

Sabi naman sa Variety: “Hell of another kind is served up in Filipino director Brillante Mendoza’s “Service,” which stands both as the year’s seemingly obligatory hardcore-sex art picture and, by general agreement, the entry most wildly out of place in the Competition.”

Maraming Pinoy, at least sa peyups.com, ang nanggagalaiti kung bakit padala tayo nang padala ng mga pelikulang tunfkol sa kahirapan, prostitusyon at violence sa mga international film festivals. Kaya raw di tayo makausad kasi ine-exoticize ng mga pelikula natin ang bansa at ang danas nating mga Pilipino. Bakit daw hindi tayo gumawa ng mga pelikulang ishino-showcase naman ang good and bright side ng bansa.

May point naman sila. Pero, para sa akin, hindi ‘yun ang nakikita kong main problem. Ang hinahanap ko kasi, sinseridad ng mga filmmaker at producer sa paghawak at pagtalakay sa subject matter. So ayos lang sa akin na magpalabas nang magpalabas ng mga pelikula on poverty, sex, homosexuality, and violence. Basta may honesty at may compassion sa subject. Hindi ‘yung tipong “Ay, kelangan kantot nang kantot ang taga-squatter na bida at pagkatapos magpapatayan sila in the end para kumita ang pelikula ko.” Usually kasi, ganun ang mentalidad ng ilang filmmaker. Lumalabas kasi na lalong nae-exploit ang mga exploited.

Tulad ngayon, naglipana ang mga indie gay film sa Pilipinas. Marami, sad to say, mapagpanggap. Ginagamit lang nilang maskara ang label na “indie film” (meaning, art film) para pagtakpan ang ultimate objective nilang makalikom ng tubo. Marami ring filmmaker ang nabubulag sa idea na ang isang magandang art film ay kelangang explosive at may matinding shock value. May iba namang naghahangad ng kasikatan, ‘yung tipong gumagawa ng pelikula para sa mga international film festival.

Sukang-suka ako sa “Ang Lalake sa Parola”, “Ang Lihim ni Antonio”, at “Pantasya”. Tangina, sumasabog ang utak ko sa kaiisip kung bakit may ganitong mga pelikula. Ayos lang sa akin ang mga sex scenes. Pero hindi ako interesado kung paano nag-umpugan ang betlog ng mga bida; gusto kong malaman kung paano hinubog ng sitwasyon ang mga bida para magkantutan/ maglaplapan/ maglamasan/ magtsupaan at ano ang consequences nito sa buhay nila. Disente ang “Masahista”, medyo may pagkapretentious nga lang. Pinakagusto ko ang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” dahil sinasagka nito ang mga stereotype ng kabaklaan at kahirapan.

Di ko pa naman napapanood ang “Serbis”, so no comment na lang muna ako kung karapat-dapat ba itong itapon sa imburnal.

One Response to Serbis and Indie Crap

  1. jeje says:

    so..napanood mo na ba? ..anu nang comment mo >.<

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: