Bili Bili Bili

Bago ako umuwi kanina, dumaan muna ako sa Eunilane para bumili ng Milo. Naubos ko kasi kagabi sa kapapapak. ‘Yun lang talaga ang balak kong bilhin. Pero ang totoo niyan, nangangayayat na ang pitaka ko, kaya gustuhin ko mang kumuha ng shopping cart at paapawin ito ng kaluhuan, ‘wag na.

Pauwi na ako nang maisipan kong dumaan sa palengke at bumili ng mansanas. Nagdalawang-isip ako nung una. Kasi nga, wala sa budget at ilang araw na lang ang itatagal ng pera ko. Pero sabi ko, ok lang, para naman ‘to sa kalusugan ko (humahanap talaga ng dahilan. hahaha). Kumuha ako ng isa. Dinagdagan ko pa ng isa. At dalawa pang orange. At limang piraso ng mais na ilalaga ko bukas.

Lakad lakad lakad. Parating na ang ulan.

Andoks. Lechon manok. Tangina, napalunok ako. Tumigil ako sa tapat at kagat-labing initigan ang mga nabingintab na manok. Pakiramdam ko, ako ‘yung isa sa mga batang pulubing naglalaway sa chicken joy. ‘Yung mga batang kumakatok sa Jollibee. Ayun. E di bumili ako ng isang lechon manok. Jumbo. Idinahilan ko na lang sa sarili na ngayon na lang uli ako makakakain nito. Paminsan-minsan, kelangan ko namang i-reward ang sarili.

Bago ako nakauwi sa bahay, dumaan pa ako sa bakery. Ubos na nga rin pala ang supply ko ng tinapay. Bumili ako ng Gardenia at Lily’s peanut butter na, I’m sure, mapapapak ko overnight. Bumili rin ako ng 1.5 litrong Sprite. Masarap na panulak sa Andoks lechon manok.

——-

Sabi sa balita, di na raw basta-basta bumibili ng kung anu-ano ang mga mamimili ngayon. Kung dati raw, binibili kung ano ang gusto, ngayon, di na raw. Dahil daw sa di matigil na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: