Dyesebel-Dyesebelan at Grepahan sa Sarah’s

Tagal ko na palang di lumalangoy. Mahigit dalawang buwan na. Kinakalawang na ang mga kasu-kasuan ko. E, kahapon, nagswim kami sa Teacher’s Village. E, private pool ‘yon, so medyo maliit lang at di talaga puwedeng mag-laps.

Pero masaya talaga, lalo na’t kasama ang mga kuwelang sina Queenie (Princess of theStars), Mako (Pincess of the Orient), at Cyrho (MV Dona Paz). Di dapat ako maglulublob, kaya lang, nainggit ako. Ayun, pinahiraman ako ni Mako ng shorts. Nakakahiya kasi pambabae at floral pa.

Ito si Marian Rivera matapos ang aksidente.

Ayaw pang umuwi ni Mako after mag-swim. So yun, diretso kami sa Sarah’s para, ano pa nga ba, lumalklak ng alkohol. Si Cyrho, maagang umuwi, sinundo ng kanyang future hubby. Mayaman ‘to. Hahaha!

Si Curacha, Si Isaw King, at si Angel Locsin

Napurga ako sa barbecue at isaw manok. Sarap talaga ng tae. Si Mako, di naubusan nang kuwento tungkol sa mga problema n’ya sa buhay. Pero ayos lang, matagal na rin kasi naming di nakakasama ang hitad. At ang lakas uminom. Medyo kinabahan nga ako, baka maglupasay siya at buhatin namin pauwi. Awa ng Diyos, di naman.

One Response to Dyesebel-Dyesebelan at Grepahan sa Sarah’s

  1. Rich de los Santos says:

    hi! i love living in Diliman!🙂

    Ano address or contact number ng pinagswimmingan nyong private pool? I’m planning to have my nephew’s 6th birthday party sana in a pool area pero near by lang, para makapunta friends nya.

    We’ll appreciate your reply. Thanks sooo much!

    Rich

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: