Every Night Is Mating Night at Che’lu

1

Che’lu

Akala ko sa Library kami. Pero sa Che’lu ang ending. Actually, di naman dapat talaga ako kasama. Hindi kasi ako komportable sa Orosa-Nakpil nightlife. Di lang ako nakatanggi kay Boots at sa mga pinsan niya kaya sumama na rin ako.

Natawa lang ako sa experience.

Pabonggahan ang mga bakla, o kung anuman ang gusto mong itawag sa kanila (bi, bi-curious, straight tripper, trisexual, multisexual, lalaking pumapatol sa lalaki). Kompetisyon kung kompetisyon. Dito nagkakaalaman kung kaninong marketing strategy ang effective. May pamintang buo at pamintang durog. May mga silent type at pa-mysterious effect. May mga social butterfly na halos lahat ay kinikilala.

Pinakamabenta ang mga straight acting na guwapo. Mabenta naman sa mga top (go figure) ang mga medyo malambot kung kumilos pero guwapo. Kung panget ka, sorry na lang. The best bet ay maging sociable ka. Para may panget ding ma-attract sa ‘yo. Harsh. pero ganyan ang realidad sa Orosa-Nakpil.

Gabi-gabi, mating season dito. ‘Pag may napadaang pogi, mararamdaman mo ang testosterone sa hangin. Ang mga mata, ang tatalim kung makatingin. Nanghuhubad. Ang iba’y mga titig na kumakantot/kinakantot at chinuchupa/chumuchupa. Mga tingin na nanggagahasa. Kung suwerteng magustuhan, umaatikabong bakbakan sa kama ang ending.

Madalas magsimula ang landian sa dancefloor. Ito ang classic na mating dance. Niyaya ako nina Boots at Palmy na magsayaw sa loob ng Che’lu (kung claustrophobic ka at may hika, ‘wag kang papasok dito). E, di sayaw-sayaw ang mga kasama ko.  Para akong tuod na napapaligiran ng mga gumigiri-giring katawan. Di talaga kasi ako sayaw person.

Dama ko ang hininga ng mga taong halos mawala na sa sarili sa pagsasayaw. Balat sa balat. Nar’yang may maramdaman akong bukol na dumudunggol sa puwetan ko, kamay na humahaplos sa tadyang at gumagapang sa harap ko. Ayaw na ayaw ko pa naman nang hinahawakan ako ng mga taong di kilala. Inis akong umalis sa gitna at pasimpleng itinulak ang mga nakaharang.

Tumambay  na lang sa isang sulok para mag-observe. May mga go-go boys na sige sa paggiling sa platform (mga nagyayabang sa katawan pero wala namang face value). May mga naglalaplapan na parang wala nang bukas. May mga desperado sa atensiyon. May mga babaeng umaasa pa ring makabingwit. At may mga katulad kong nagmamatyag lang.

———

Nawalan ng cell phone ang kasama naming si Richard. Si Bibeth, nag-highblood dahil walang ginawa ang Che’lu sa reklamo ng kapatid.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: