Michael Jackson Overload

1

Today was Michael Jackson Day. Pagkagising na pagkagising ko kanina, sinindihan ko ang radyo. Si Michael Jackson ang balita. Nakinig lang nang konti, tsaka ko pinatay. Nanood ako ng TV. Jacko sa Etc, sa CNN, sa BBC, sa MTV, kahit sa ilang Korean at Chinese channels.

Jacko music video marathon naman sa MYX.  Sobrang na-enjoy ko dahil naalala ko ‘yong kabataan ko. No’ng nakikinuod ako ng MTV kina Ate Grace. Nakahiga pa kaming magpipinsan no’n sa semento habang nanonood. No’ng kinokompetensiya ko ang ilang pinsan sa padamihan ng alam tungkol sa mga music video ng King of Pop.  Hay, nostalgia galore.

Nang magsawa, binisita ko ang peyups.com. Sabi ng isang poster: “Kaya don’t be sad people. Celebrate! Wear white gloves. Dance. Moonwalk.” ‘Yoko nga, magmumukha lang akong tanga. Gusto ko ang music ni Jacko, pero di ako gano’n ka-fan para i-channel ang kumakadyot-kadyot na Jacko.

Bumisita rin ako sa iTunes. Wala akong masabi sa powers ni Jacko. Siyam na album niya ang nasa top 10 albums downloads chart. At marami siyang singles na namamayagpag sa singles charts. Ang “Man In the Mirror”, isa sa mga pinakagusto kong Jacko song, ang #1. Wow!

Sa Facebook, nakiuso ako at sinagutan ang “Which Michael Jackson Song Are You” quiz. Ang resulta: “Billie Jean”.

Niyaya ako ni Boots na lumabas para bumili ng de lata sa tindahan sa labas ng village. E, tinatamad ako. Mainit kasi sa labas, ayokong pagpawisan. Mapilit siya, so ang sabi ko: “Tinatamad akong lumabas. Patay na kasi si Michael Jackson.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: