Hyperimbyerna sa Hypermarket

logo

Sinita ako ng lady guard no’ng papasok na ako sa SM Hypermarket sa SM North. May suot kasi akong backpack at dire-diretso lang ako sa loob. Winarningan na ako ni Boots na sisitahin daw ako ‘pag di ko dineposit ang bag. E, ang dami kayang tao sa loob na may malalaking bag, so in-assume ko na lang, pwede ang bag ko.

Lady Guard:   Ser, pakiiwan na lang po ang bag sa counter.
Ako:   Bakit ang ilang tao sa loob, may dala-dalang bag. Ang lalaki pa.
Lady Guard:   E, kasi po, backpack ang sa inyo.
Ako:   Pa’no kung magdala ako ng sling bag na sinlaki ng sako, okey lang ‘yon?

Bihira akong mag-snap sa harap ng maraming tao, pero di ko na napigilan. Pinalampas ko na lang, kesa naman gumawa pa ako ng eksena.

Sa loob, tingin ako nang tingin sa mga bag ng mga naggo-grocery. Sinusukat kung mas malaki sa backpack ko. Panay ang reklamo ko kay Boots na maraming bag ang mas malaki sa bag ko. Natatawa siya dahil hindi sa pamimili ako naka-focus, kundi sa pagsusukat ng mga bag. Meron pa ngang isa, may dalang travel bag. Kumusta naman ‘yon? Dahil medyo pormal ang suot nila? Dahil makinis ang balat nila? Dahil mukhang mayaman sila? Dahil mukhang di sila magnanakaw?

Samantalang ako, porke nakashorts lang at nakatsinelas at kita ang maugat at maalikabok na paa, di na dapat pagkatiwalaan at kelangang ipaiwan ang maliit na backpack sa counter?

Makapag-social experiment nga…

4 Responses to Hyperimbyerna sa Hypermarket

  1. bonistation says:

    aww! minsan ganyan nga sila! tumitingin sa suot natin hays unfair unfair!
    napadaan lang nakita ko tong blog mo sa possible related post sa blog ko hehe

  2. joshua says:

    BOBO MO TANGA!! BAWAL YUN E! DI KABA MARUNONG SUMUNOD SA SIMLENG INSTRUCTION?? SIGURO MAY MASAMA KANG BALAK KAYA KUNG MAKAREKLAMO KA E GRABE.BOBO TALAGA! TANGA!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: