Pesteng Poster ng mga Politiko

Larawan mula sa Capariño Bulletin

Ayan na. Nagsisimula nang mabalutan ng mga “Happy Holidays” at “Merry Christmas” tarpaulin ang Pilipinas (mga poster na sa totoo lang ay mga campaign material). Partida. Hindi pa campaign period para sa 2010 election.

Sabi ng doktor, prehypertensive daw ako. Kaya iniiwasan kong lumabas ng bahay. Natatakot kasi akong magtuloy-tuloy sa hypertension ang kondisyon ko kapag araw-araw na nakikita ang mga nakangiting (may pa-tweetums, may bait-baitan, may ngiting aso, may mukhang patay) sina  Nanette Castelo-Daza, Jessica Castelo-Daza, Winnie Castelo, Precious Hipolito-Castelo, Perry Bilaos, Mike Defensor, Joy Belmonte, Candy Medina, Janet Babes Malaya, Aiko Melendez, Alfred Vargas, at iba pa at iba pa na nakadikit/nakasabit/nakabalot/nakasuot kung saan-saan.

Ang kakapal ng pagmumukha, ang lagi kong sinasabi kapag nandadaot ng mga poster  na bumabati ng Merry Xmas Happy New Year, nagyayabang ng mga proyekto (drainage cleaning, scholarship, call center training), nagpapaalalang bumoto – na may larawan at pangalan ng bumabati/nagyayabang/nagpapaalala na higit na malaki sa mismong pagbati/pagyayabang/ paalala.

Ang iba ay pumaparaan. Nagkalat ang ganitong klase ng poster:

Go out and

VOTE

A Message By

INSERT NAME OF POLITICIAN

In short, Vote Insert Name of Politician.

Isa pa sa mga pinakaiinisan kong tarp ay ‘yong sa isang babaeng katabi ang nanay na beterana sa politika. Since papasok pa lang siya sa politika, kelangan niyang maging visible sa pamamagitan ng mga tarp kung saan nakasulat ang kanyang mga naging proyekto bilang lider ng kung anoman. Siyempre, kelangan din niyang ilagay ang “Graduate, 2009 UST School of Medicine” for more impact. Alam kong kilala na ninyo ang tinutukoy ko. See?

Kung ako si Superman, iisa-isahin kong tatanggalin ang mga basura sa dingding, poste, at kable ng kuryente at ipapasak sa bibig ng mga kumakampanya.

Para sa politika at tradisyon ng tarp, basahin ang mga blog nina Rolando Tolentino at Joselito Capariño.

4 Responses to Pesteng Poster ng mga Politiko

  1. Beej says:

    Insecure ka sa matalino na maganda? nuknukan ka ba ng panget? asshole!

  2. pazzawai says:

    pre wag mo nmn husgahan ung mga POLiTiKO may ginagawa nmn cla ng karapatdapat sa bayan eh!! tulad ni SB,BISTIK AT C KAP. PERRY BILAOS
    sa lugar nmen gumanda at maliniz at maaus wla’ng gulo sa PAGONG PAG-ASA
    dahil sa kanila!! sa totoo lng una nde ko akalain ung kapitan nmen na si cap. perry bilaos kala ko ordinaryong tao lng, un pla kapitan pla sya d2 kc wla sa mukha at ang bait nya ung friend ko taga sanroque inampon nya dahil ung tatay nya binubogbog at pina palayas sya kaya siguro inampon sya ng kapitan namen kaya malaking pag sasalamat nya dun!
    dun sya pinapa2log sa baranggay namen, kaso ngaun pinauwi sya ng lola nya sa laguna kaya wla na sya sa pag asa! kaya botong boto sya sa samen kaso nde sya nanalo syang pagod nmen free tyme kme para sa kanya sabe sabe ng taga dun baka raw may vote buying kc kala nmen nanalo manok nmen!!!
    na awa kme sa kapt nmen cguro nasaktan sya!!!
    hayzz 25 + 1years ang pag katalo nya ajejejeje peo sa susunod susuportahan pa ulit nmen sya kc free eat eh!! sarap mag kabit ng poster nyahhahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: