Sige, Sige, E-cigarette

Hirap akong lumunok kanina. Para akong umiinom ng tubig na may halong pinulbos na bote. Pa’no, nasobrahan na naman ako sa yosi. Kaya ayun, ceasefire na muna sa pagsuba.

Magsasampung taon na rin pala akong nagyoyosi. Nagsimula sa paisa-isa, padala-dalawa, hanggang sa kalahating kaha sa isang araw. Sabi ko, ayos lang ‘yan, marami pang mas adik sa akin. ‘Yung iba nga, mahigit sa isang kaha ang sinusuba sa isang araw. Hindi pa naman ganun kadilaw ang ngipin ko tulad ng maraming British at wala pa namang hinihimatay sa mga kalaplapan ko.

Pero ramdam kong unti-unti nang natutunaw ang baga ko. E, ayaw ko namang mapabilang sa statistics. Sabi kasi sa mga balita, 9 out of 10 smokers sa Pilipinas ang namamatay sa lung cancer. Dati, kinikebs ko lang ang ganitong balita. ‘Yong iba nga, di naman nagyoyosi, pero namamatay pa rin nang maaga – mga motoristang napipisat sa Commonwealth, mga binatang nagi-gripuhan sa Pasay Rotonda, mga aleng nababagsakan ng poste, mga politikong inaatake sa puso habang nagbibilang ng kickback. Pana-panahon lang ‘yan, sabi ko.

Pero ayoko palang mamatay sa lung cancer. Di glamoroso.

Kaya starting next week (oo, next week pa!), sisikapin (oo, “susubukan”!) ko nang mag-quit. Ang solusyon (hopefully!): electronic cigarette.

E-cigarette photo from Tobacco Reviews 

Ang press release, “Using the electronic cigarette will allow you to instantly to stop poring over 400,000 chemicals into your body with each new breath. It contains none of the tar and none of the carcinogens that damage your lungs, your body and the people around you.” Ilan pang benefits: walang amoy, walang apoy,  walang usok, konting nicotine (konti lang). May flavor pa! Masarap ang caramel flavor. Di ko pa natitikman ang bacon flavor.

Promising.

But wait, wait, wait! Di pa malinaw kung ano talaga ang health benefits ng e-cigarette. Actually, banned ito sa Canada, Brazil, Thailand, Hong Kong, at Saudi Arabia. Wala pang conclusive finding kung safe ba talaga ang e-cigarette.

So, ano na?

Try ko lang. Pero sana, matanggal ko na ang habit, soon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: