Super!

Hindi talaga designed ang katawan ko sa paggala sa mga mall. Pansin ko, ang bilis kong mapagod sa loob. E, ito nga, kagagaling lang sa SM North. Super sale daw, e ang mamahal pa rin naman. Not to mention ang mga defect. Ayun, sumakit ng ulo ko at namintig ang mga binti ko. Super baldado ako pagkauwi ko. Ewan, di lang siguro kami compatible ng mga mall.

SM North Edsa Sale

Pansin ko rin, sumusungit ako ‘pag nagmo-malling. Siguro dahil sa super stress. Marami kang kelangang bilhin, pero di mo mabili dahil super mahal ng presyo. Discount daw, pero di naman talaga discount. O ‘yung tipong tinatakam ka ng kung anek-anek na naka-display. Tapos, magwa-wonder ka, bakit ang iba, nagkakasya na lang sa pagwi-window shopping samantalang ang iba’y walang habas sa pagbili ng ganito’t ganyan. ‘Yung iba naman, wala na ngang pera, nangungutang na nga lang, super bili pa rin.

A, kung makapangondisyon nga naman ang mga kapitalista. Super!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: