The Next Big Thing — A Chain Letter For Writers

Sagutin ko raw ang 10 tanong na nasa ibaba. Galing kay Bebang, ang kiti-kiting awtor ng bestseller na It’s a Mens World, na nakasalubong ko sa ukayan sa Anonas sa LRT, na hindi ko nirereplayan sa text dahil Smart subscriber siya at Globe naman ako, na ilang taon ko na ring kaibigan (okey, kelangang i-establish na associated ako sa isang sikat na manunulat).

1) What is the title of your upcoming book?

‘Di ko pa alam kung ano na ang nangyayari sa isinumite kong book proposal. ‘Di ko alam kung natutulog lang o naghihingalo na o buhay pa ba. Sabihin na agad nang makapag-move on na. Pero ang pamagat nun ay “Celebrity: Jhake Vhargas.” Pakitaas ang kamay ng nakakakilala sa batang ‘to.

2) Where did the idea come from for the book?

Masters thesis ko siya, actually. Tungkol sa tsismis. E, tsismoso ako, bakit ba. Interesado ako sa pribadong buhay ng mga taong nasa paligid ko at sa mga tsismis na labas sa personal. So, koleksiyon ng mga kuwentong tsismis (lahat naman yata ng kuwento ay tsismis). Ayun. Nagsimula ang lahat sa obserbasyon ko sa kung pa’nong makipagtsismisan ang mga kasambahay.

3) What genre does your book fall under?

Tragicomedy ang karamihan sa mga kuwento sa koleksiyon.

4) What actors would you choose to play the part of your characters in a movie rendition?

Si Jhake Vhargas (na Jake Vargas na ngayon) as himself and German Moreno, Billy Crawford, Isko Moreno, Hero Angeles as themselves.

5) What is the one-sentence synopsis of your upcoming book?

Ang “Celebrity: Jhake Vhargas” ay koleksiyon ng mga kuwentong nagtatanghal sa iba’t ibang mukha ng tsismis.

6) Who will publish your book?

‘Di ko pa alam, e. Sa nagbabasa nito, baka may alam kayong publication na tumatanggap. Kontakin ako o si Bebang. Salamat!

7) How long will it take you to write the first draft of the manuscript?

Isang taon. Pagong ako kung magsulat.

8) What other books would you compare this story to within your genre?

Sa mga aklat ni ano at ano. ‘Di ko na pangangalanan, baka sabihing nagfi-feeling akong lumebel sa kanila. ‘Tsaka kina ano at ano. Secret na lang din, baka isiping wala akong taste.

9) Who or what inspired you to write this book?

Ang mga taong nakakaamuyan ko ng kilikili at hininga sa bus, jeep, at MRT. Ang mga butangero’t butangera sa palengke, mga mamser sa SM Department Store, gurong may makakating dila, kasambahay, construction worker, magsasaka, estudyante, call center agent, tambay sa kanto, nanay sa sari-sari store. Sina Boy Abunda at Cristy Fermin.

10) What else about the book that might pique the reader’s interest?

Ayokong mag-set ng expectations. Ang masasabi ko lang, pang-grandslam ang akda ko. Isi-sweep ang Palanca Awards at National Book Awards. At oo,  kalebel ng It’s a Mens World. Pero ang sabi ko nga, don’t expect too much, ha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: