Self-Preservation

Self-Preservation

Bandang alas tres ng hapon, sa BenCab Museum sa Baguio kasama ang ilang kaibigan at estudyante, ume-emote sa veranda matapos pasadahan ang mga koleksiyon, nakapikit, nakakapit sa bakal na railing, ninanamnam ang halimuyak ng mga pine tree at ang lamig ng hangin, na-realize na cliche na ang ginagawa kaya inobserbahan na lang ang mga estudyanteng sumama sa field trip para makasama ang jowa o crush.

Umungol ang lupa. Ano ‘yon, sabi ng isang estudyante. Umuga ang gusali. Napakapit ako nang mahigpit sa railing. Lindol? Nag-ingay ang mga bakal at salamin. Lindol nga!

Kumaripas ako ng takbo palabas. Naiwan ko ang mga kaibigan. Ngayon, alam na ninyo kung ano ang gagawin ko kapag lumilindol: tatakbo ako at iiwan ko kayong. Haha!

Praning na kung praning, but that’s what you call self-preservation. Marami na akong napanood na disaster film at pelikulang tungkol sa post-apocalyptic na mundo, at masasabi kong I have the instinct to survive.

//

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: