Si Jollibee at Si Ako

Image

Napaigtad ako habang umoorder ng isang bucket ng spicy juicylicious at crispylicious chickenjoy. Sinong manyak ang kumurot (sumundot?) sa pisngi ng puwet ko? Nilingon ko ang salarin.

Si Jollibee.

Sinimangutan ko siya. Nginitian niya ako, saka tinusok ng malambot niyang daliri ang mabilbil kong tagiliran. Aba, aba, aba. Nakiliti, pero sobrang nainis ako. Ipinakita ko sa kanya ang signature kunot-noo look ko. Idemanda kaya kita ng sexual harassment, gusto kong sabihin sa kanya.

Natatawa ang ilang nakatingin sa amin. Smile lang ako. Wala ako sa wisyong gumawa ng eksena.

Inulit pa niya ang panunusok. Lintik. Nakiliti, pero sobrang nabanas ako, lalo na nang makita ang malaking mata at nakakalokong ngiti ni jollibee. Gusto ko siyang tadyakan at kaladkarin papuntang palengke. Wala akong pakialam kung maraming batang gustong magpa-picture sa kanya.

Napansin ng kuya ko ang pagkainis ko. Sabi niya kay Jollibee, ‘wag mong ginaganyan ‘yan, suplado ‘yang kapatid ko. Uulitin pa sana ng obese na bubuyog ang panghaharot nang tumugtog ang ‘dito tayo kung saan bida ang saya’ theme song. Bibong-bibo niya itong sinabayan ng sayaw.

Nakangangang nagpalakpakan ang mga bata.

(Kuha ang larawan mula rito.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: