You Don’t Mess with a Competitive Thundercats

Image

 

Competitive ang aleng thundercats na nakasabay ko sa gym kanina. akikipagsabayan sa pagtakbo sa treadmill. Ay, you don’t do that to me, sabi ng competitive self ko. Binilisan ko ang pagtakbo. Aba, sinabayan niya ako. Itinaas ko ang incline. Itinaas rin niya ang sa kanya. Ayaw ring magpatalo ni lola! Lalo kong binilisan. Lalo rin niyang binilisan. Sige, taas pa, taas pa. Makalipas ang 15 minuto, effortless at posturang-postura pa rin ang lola, samantalang nanginginig na ang tuhod ko. chin up ang aleng thundercats. nasa lugar pa rin ang mga tiklop sa kanyang balat. Ako, pinapatid na ng nakalaylay na dila. Pinindot ko ang stop button. ‘Di ko man nakita, alam kong napangisi ang matanda. Ipinagpatuloy niya ang pagtakbo. Very graceful.

 

(Kuha ang larawan mula rito.)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: