Binyag

20160709_170532

Nilalagnat, pero sumugod pa rin sa Virgin Labfest. Wooooo! Thirteen plays–kasama ang Rak of Aegis, ‘yan, finally–in three days. Nakakabangenge. Para akong baliw sa kakatawa, kakapalakpak, at kakapadyak (gusto kong kurutin ang mga katabi ko, pero may konting pagpipigil pa rin, siyempre). May ilang moments na muntik na akong mag-a la Nora Aunor sa Ina Ka ng Anak Mo, hirap sa pagpigil sa pagtulo ng luha sa kaliwang mata. Minsan, kapag may mga chakang eksena, pumipikit na lang ako para hindi makita ng iba ang pag-roll ng eyes ko. Kapag winner naman, napapa-fist pump ako at gustong sumigaw ng “Ajde!” na parang si Ana Ivanovic.

Anyway, kung sustansiya ang pag-uusapan panalo ang:

  • Hapagkainan – Patawa, pero grabe ang sipa ng prim and proper slash butangerong pamilya. May kilala akong ganito. Haha! Bumitaw sa karakter ang nanay at tatay, pero oks lang. Riot.
  • Ang mga Bisita ni Jean – Hindi perpekto, pero gusto ko ang ambisyon at proyekto. Mukhang nag-research naman, although parang hindi ako convinced na galing silang bundok.
  • Bahay-bahayan, Tagu-taguan – Gusto ko rin ang proyekto. Timely. Sayang nga lang at hindi ganoon kalakas para sa akin ang pagganap. Tsaka lost ako rito. Haha!

In terms of entertainment value, kung saan ako pinakanatawa (ito naman yata ang uso sa maraming playwright ngayon, ang magpatawa) bet na bet ang:

  • Mula sa Kulimliman – Naiyak (nautot pa nga yata) sa katatawa ang kasama ko. Puwedeng gawing series ito.
  • Loyalist – Relate na relate ako, siyempre. Medyo ambivalent lang ako sa ending. Sa isang banda, gano’n naman talaga ang madalas na dynamics ng nagbabangayang mag-ina. On the other hand, so ano na? Hanggang do’n na lang ba?

Special mention ang:

  • Daddy’s Girl – Gusto ko ang discomfort na ibinigay ng una sa audience. Magagaling ang actors at, siyempre, ang lighting. Medyo naiirita lang ako sa mga misplaced na patawa.
  • Ang Bata sa Drum – Walang paandar, pero ito ang pinaka-heartfelt sa lahat ng napanood ko. Gusto ko ang atmosphere. Tahimik. Malungkot.

Ewan ko, hindi ko gaanong nagustuhan ang:

  • Marte – Hindi ako convinced sa nilikhang futuristic na mundo. Although gusto ko pang makakita ng mga ganitong specfic thingy in the future sa VLF.
  • Bait – Na-distract ako sa looooong silence at incomplete sentences. I’m not sure kung nakalimutan ang lines o namumutiktik lang sa ellipsis o em dash ang script. Imbes na mag-focus ako sa eksena, kinakabahan ako na magkakalat ang actors. Sayang, mukhang maganda pa naman ang materyal.

Ayun, tatlong araw na natawa, nalungkot, na-inspire, nairita. Kaka-drain! Congrats! May Set A pa bukas. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang panoorin.

P.S.

Sana makapasok naman ang entry ko next year. Juice ko, quotang-quota na ako sa rejection, ha. Hindi na nasundan ang debut ko no’ng 2012. Haha!

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: