Open Letter sa mga Adik sa Pagbabate

January 31, 2009

Ayan. Next time, siguraduhing walang ebidensiya.

1


Ramdam na Ramdam na

January 25, 2009

Si June. Pulang-pula na’ng mukha. Hindi na maibuka ang talukap ng mata. Nakangisi. Ngising di malaman kung nangmamanyak o nang-iinis o wala lang. Nakasandal sa monoblock chair. Si Brian. Dinedemostrate kung pa’no kinantot ang girlfriend sa loob ng isang kuweba sa Rizal. With matching ooohhh…aaahhh…ooohhh. Bidang-bida ang pakiramdam. Si Chely. Pudpod na ang mga daliri sa katetext. Parang nilukot na papel ang mukha. Panay ang buntung-hininga. Panay ang bulong ng “Leche.” Si Rene. Paubos na ang isang kaha ng Gudang Garam. Umuubo, dumidighay, at umuutot na ng usok. Si Rhona. Ikinukuwento ang mga nabasa tungkol sa mga bampira at zombie habang walang tigil sa pagpapak sa malamig nang sisig. Habang hinahaplos ang tenga ni Rene. Si Mother Darla. Isinasayaw ang “Single Ladies” ng idolong si Beyonce. In full choreography mode. Walang kapaguran. Si Butch. Sige sa pagkuha ng litrato ng mga kaibigan. Mga litratong ipopost sa Multiply at Facebook at papamagatang “Eto ang Itsura ng mga Nawalan ng Trabaho.”


Big Brother sa Opisina

January 19, 2009

panopticon

Pwede naman na sigurong mag-blog, no? Wala naman na akong ginagawa dito sa opisina, since tapos ko na lahat ng trabaho ko. Sinobrahan ko pa sa quota para walang masabi ang kliyente namin. Alangan namang tumunganga lang ako. ‘Yoko na rin namang magyosi kasi makapal na’ng dila ko at masakit na sa lalamunan. Di naman ako nakapagdala ng libro kaya walang mabasa. Di rin naman ako pwedeng mag-surf sa Internet kasi may matang nakamasid. Yup, under surveillance ang PC ko. Last week lang nilagyan ng monitoring software. Para raw namamanmanan nila ang mga aktibidades namin. Para raw ginagawa namin ang trabaho. Classic panopticon ‘to. E, pano ‘pag tapos na ang mga kelangang tapusin? Di naman pwedeng matulog dahil bawal. Sinasabi nilang magiging mas productive daw pag laging minomonitor. E, lalo nga akong bumagal nang lagyan nila ng espiya ang PC ko. Writing job pa naman ‘to. Di nila naiintindihan na ‘pag inaagiw ang utak mo at magdugo ang ilong sa kapipilit na may maisulat, kelangang may diversion. Ang diversion ko dati, magbasa-basa ng mga blog, magpost sa mga forum, makipagchat sa YM, at manood ng mga clips sa Youtube. Dahil do’n nawawala ang katigangan ng utak ko. E, ngayon, di na raw pwede ‘yon. Sinubukan ko minsang mag-surf. Tapos na kasi ang trabaho ko. Kinabukasan, sinabihan ako ng staff ng IT na kitang-kita raw nila LAHAT ng logs ko. LAHAT. Siyempre natakot ako. Nababasa raw ang usapan sa chat, pati ang mga username at password ko sa Yahoo, Gmail, at Blogspot. Grabe. Pordyosporsanto. Super violated ako. Malamang binabasa/babasahin nila ‘tong sinusulat ko ngayon. Ayos, lang. Exciting to.


2 Pinggang Pansit + Pork Adobo + 2 Tasang Rice + Buko Juice + Mahimbing na Tulog =

January 16, 2009

pating3

Swimming sa sea. Habulan with pating and tiger. Nakakapagod. Kasama ko si Eugene Domingo complete with curly wig at Martin Nievera with his microphone. Kinain sila ng tiger sa sea. May malaking-malaking buwaya sa paanan ng waterfalls malapit sa seashore. May tumalun-talong giant palaka. Na-shoot sa bunganga ng buwaya. Nginuya ng buwaya ang palaka. Tawa nang tawa si lolo. Sa Isabela. May dumating na apat na batang bulag. Pinakain. Dumating ang mag-inang Bebang at EJ. Nanood ng horror film. May babaeng buhaghag ang buhok. Sumilip sa bintana. Tumili si Bebang. Makapal ang kilay ng babae. Siya ‘yong nasa pelikulang pinapanood. Kamukha ni Susan Lozada. Nanaginip ang babaeng multo. Napunta kami sa lugar na napanaginipan ng babae. Sa Bulacan. Kasama si Papa, Mama Kuya, Bebang, EJ, Hilda Koronel, at dalawang babies. May nagcha-chant nang kung ano sa loob ng bahay. Ibang language. Pumasok ang mga kasama ko para makiihi. Naiwan kami sa labas nina Papa at Hilda Koronel. Tapos, bigla na lang kaming may nakitang apat na duguang paa sa mesa sa may gate. As in paa. Walang binti. Walang hita. Kulubot ang talampakan. Nilalangaw. Hinila ng mga tao papasok ng gate si Hilda Koronel. Sigaw nang sigaw. “Best actress ako!” sigaw niya. Tumakbo ako palayo at sumakay sa trike sa labas ng subdivision. Naiwan si Papa. Hindi na nakatakbo dahil sa rayuma. Tumirik ang trike sa edge ng kalsadang may 45-degree slope. Lumipat ako ng trike. Dumaan muna ako sa bahay ni Auntie Flor. Nakita ko ang mga flower design sa cartolina ni Ate hazel na nakadikit sa nababakbak na wall. Nakauwi ako. Nakahiga si Papa sa sahig na kahoy. Umiyak kami. Relieved ako at buhay siya. Sabi niya, chinop-chop daw si Mama at Kuya at mga kasama namin. Dumating daw ang mga pulis. Hinuli ang mga kumatay. Ibinebenta raw nila sa mga sindikato ang mga kinatay na laman. Sabi ko kay Papa, sana panaginip na lang ang lahat. Napadaan si April at Pinang at tinanong kung nasaan si Kuya. Sabi ko, wala na. Pinlano namin ni Papa kung paano ibabalita sa mga kapitbahay ang nangyari habang kinukuha namin ang mga sinampay. Paulan na kasi. Bumukas ang mata ko. Nag-iingay ang maalikabok na electric fan.


Perfect Attendance

January 3, 2009

Perfect attendance. Never kong na-achieve ‘to no’ng nasa college ako. Sabi ko, e ano naman ang .25 na reward sa class card sa pagtatapos ng sem kumpara sa magdamagang laklakan ng gin pomelo (ito pa’ng uso no’n) sa dorm, movie marathon sa Film Center (Cine Adarna na ngayon), at sunugan ng baga with friends sa Sunken Garden (smoking zone pa ang UP no’n). Halimaw lang ang nakaka-perfect attendance. 


Ganito rin sa trabaho. Kelan lang, in-award-an ang mge empleyadong may perfect attendance sa buong 2008. Ilan silang mga halimaw. Sila ‘yong never nag-absent (obviously), never nag-half day, never na-late, never nag-undertime, never nag-leave, at never gumamit ng offset. Isang taon. Imagine that, isang taon!

Sila ‘yong tipong ginagawa nang bahay ang office. ‘Yong di namamatayan ng mga kamag-anak. ‘Yong immune sa lahat ng uri ng sakit, kahit sipon at ubo. ‘Yong di immune sa sakit pero nagrereport pa rin sa trabaho kahit tumitirik na ang mga mata at mangisay-ngisay na sa pagdedeliryo. ‘Yong nagigising sa tunog ng alarm clock. ‘Yong kayang hawiin ang mga pukenenang sasakyan sa EDSA a la Moses tuwing peak hours. ‘Yong walang barkadang nangingidnap. ‘Yong ginagawang cocaine ang trabaho at ikamamatay ang pag-absent. ‘Yong obsessed na maging Employee of the Year pandagdag bango sa resume.

Ang reward ng isang taong walang kupas na serbisyo sa kompanya? P10,000 plus certificate of recognition. Wow. Puwede na. Kapalit ng mahahalagang oras para sa sarili, pamilya, at kaibigan? Puwedeng-puwede. As in.

All in the Spirit of New Year

January 1, 2009

Bagong taon na. I’m sure, mapupuno na naman ang blogosphere ng mga New Year’s resolution. Na malamang sa malamang, mabubulok lang sa basurahan. Nariyang magda-diet daw para sumeksi, pero mas malaki pa sa aparador ang katawan wala pang ilang buwan. Meron diyang ibang magtitipid na raw, pero ‘yon, nakikipag-hide-and-seek sa mga credit company one year later.
Di ko rin naman sila masisisi. Mahirap na kasing baguhin ang nakasanayan na, e. Kaya nga nag-aalangan akong gumagawa nito dahil mahirap mapapangatawanan. Sayang lang ang effort. Pero dahil gusto ko ng mga challenge, susubukan ko.
1. Maging social animal. Pramis, susubukan kong lumabas naman paminsan-minsan sa lungga ko at pumasok sa social circle. ‘Yong tipong um-attend sa mga Christmas at New Year party, family at high school reunion, night out ng mga kasamahan sa trabaho, inuman kasama ang mga pinsan, movie date with friends, children’s party, binyag, kasal, lamay at burol, at kung anu-ano pang pagtitipon na nangangailangan ng mga social skill – nang hindi tumutunganga sa isang sulok habang nag-i-strategize kung pa’no umeskapo o tumitingin sa relo para i-countdown ang pagtatapos ng pagtitipon. Wala naman sigurong masama dito, ‘no?
2. Dalas-dalasan ang pagsisinungaling. Lagi akong napapa-trouble ‘pag nagsasabi ako nang totoo. Inatake ng hypertension ang boss ko nang sabihin kong tinamad ako at natulog magdamag kaya di ako nakapasok sa trabaho. Matatalim na irap ang inabot ko matapos akong tanungin ng lola ng isang kaibigan kung masarap ba ang niluto niyang sinigang na hipon at sinabi kong kulang sa alat at asim. Di na ako pinansin ever ng ultimate crush ko nang komprontahin niya ako at tanungin kung ako raw ba ‘yong secret admirer na nagtetext sa kanya. Sabi ko, oo. Madalas ding mairita ang ilang mga kaibigan kung sinasabi ko ang tunay na dahilan kung bakit di ako makapunta sa lakad nila – tinatamad ako, ayokong bumiyahe, ma-polusyon sa labas, ayoko ng maingay, ayokong malasing, mabo-bore lang ako, etc., etc. Kaya para iwas-gulo, mas mabuti pa sigurong praktisin ko na ang pagsisinungaling. Tutal, marami namang nabubuhay sa kasinungalingan.
3. Makinig sa mga kuwento ng kausap. Iniiwan talaga ako ng kaluluwa ko ‘pag kinukuwentuhan ng mga kuwentong mala-Biag ni Lam-ang ang haba. ‘Yong tipong nagkakakalyo na ang leeg at batok mo sa pagtango para lang masabing nakikinig ka. Susubukan kong makinig talaga. Pagbigyan ang kausap. Sige, susubukan kong maging sponge para makatulong sa kapwa kahit pa’no sa paglalabas ng kanilang mga sama ng loob, excitement, takot. Para mapaghugutan na rin ng mga materyal para sa blog.
4. Bawas-bawasan ang pagiging nega. Hindi ko na iisiping baka magkaroon ng super typhoon ‘pag namamasyal sa mga probinsiya. Hindi ko na iisiping baka mahulog ang sinasakyan kong ordinary bus sa mga fly over sa EDSA. Hindi ko na iisiping baka salpukin ng eroplano ang building na pinagtatrabahuan ko. Hindi ko na iisiping baka laman ng tao ang sahog ng lugaw na kinakain ko sa isang turu-turo sa Taft. Hindi ko na iisiping baka mamatay ako sa yosi. Hindi ko na iisiping baka hindi ako magustuhan ng crush ko. Hindi ko na iisiping si Mama lang ang nagsasabing pogi ako. Hindi ko na iisiping kakornihan at katangahan ang ma-in love.
5. Maging kamukha ni Gael Garcia Bernal at kasing-katawan ni Matthew McConaughey.Papatayin ko sa panghihinayang ang lahat ng umayaw sa akin dahil hindi ako magandang lalaki (well, wala lang siguro sa uso ang hitsura ko). Regular akong magpapaderma for that poreless, whiteheadless, blackheadless, spotless, oil-free facial skin. Wala nang hiya-hiya ‘to, pero bibili ako ng mga vanity product. Kung di kakayanin, bibisitahin ko si Belo (kelangang pag-ipunan ‘to). Magpapa-body scrub ako para pumuti ang mga kasingit-singitan ng katawan ko. Mag-e-enrol ako gym. Palilitawin ko ang mga pandesal sa abs ko, patitigasin ang dibdib at puwet, at iwo-work out ang braso, hita, at binti. Ewan ko lang kung walang maglaway sa akin.
Ayan. Marami pa akong gustong idagdag pero ito na lang muna. Kung mapangatawanan ko ang mga nasa listahan, e di maganda. Kung hindi naman, sorry na lang.