Unang-una, takot kasi akong lumaylay ang balat sa braso’t leeg ko. Baka paglaruan ng mga bata. Ngayon nga, ramdam ko na ang pagbagal ng metabolism ko. Ang bilis kong mapagod. Ultimo pagkurap, ikinahihingal ko.
Tsaka sa tanda kong ‘to, ni singko, wala akong ipon. Pa’no ako makakabili ng bahay ng lupa ng kotse ng malaking-malaking TV ng ref? Pa’no ako makakapag-world tour? Pa’no ang ataul ko ‘pag namatay ako (mas mahal ba’ng cremation)? Pa’no ‘yan, wala pa rin akong napapatunayan sa pagsulat. Although may na-publish nang ilang kuwento at article, at natanggap sa isang national writing workshop, di pa sapat ‘yon. Alam ko, di pa ako magaling magsulat.
Consolation ko na lang yata ‘yong nagiging mas wais ako habang tumatanda. A, saka ko na nga poproblemahin ang side effects ng pagtanda. Napapagod ako.
—————————-
Muntik na akong maiyak no’ng nalaman kong sa August 30 ang reunion concert ng Eraserheads. Gusto kong maghanap ng burol at magtatatakbo ro’n na parang si Julie Andrews. Oo, gano’n ako talaga kasaya. Sabi ko, ang gandang birthday gift naman nito. Do’n sa concert ko sana ise-celebrate ang birthday. Pero ‘yon, di ako makakapunta. Walang pambili ng tiket, e. Nalagas kasi sa Davao-Butuan-Camiguin-CDO trip ko.
—————————-
Ayokong kinakantahan ako ng happy birthday. Basta. Ang corny. Kung sa mga kaibigan, ayos lang. Walang kaso. Pero kung sa mga taong di ko naman ka-close, ay ‘wag na. Kaya nga di ko sinabi sa opisina kung kelan ang birthday ko. Pero nagulat na lang ako’t naka-post sa pantry kung kelan ang birthday ko, kasama ng iba pang may birthday din sa August. Iko-cross out ko sana using pentel pen, pero ‘wag na lang, baka makasuhan pa ako ng vandalism.
Ihahanda ko na lang ang plastic kong ngiti ‘pag kinantahan nila ako.