You Don’t Mess with a Competitive Thundercats

June 7, 2013

Image

 

Competitive ang aleng thundercats na nakasabay ko sa gym kanina. akikipagsabayan sa pagtakbo sa treadmill. Ay, you don’t do that to me, sabi ng competitive self ko. Binilisan ko ang pagtakbo. Aba, sinabayan niya ako. Itinaas ko ang incline. Itinaas rin niya ang sa kanya. Ayaw ring magpatalo ni lola! Lalo kong binilisan. Lalo rin niyang binilisan. Sige, taas pa, taas pa. Makalipas ang 15 minuto, effortless at posturang-postura pa rin ang lola, samantalang nanginginig na ang tuhod ko. chin up ang aleng thundercats. nasa lugar pa rin ang mga tiklop sa kanyang balat. Ako, pinapatid na ng nakalaylay na dila. Pinindot ko ang stop button. ‘Di ko man nakita, alam kong napangisi ang matanda. Ipinagpatuloy niya ang pagtakbo. Very graceful.

 

(Kuha ang larawan mula rito.)


Ay, Naku, Jankovic!

June 28, 2009

1

Ano na, Jelena? Fan ako ng makapunit-singit mong split, pero, ano na? Natalo ka na naman. Chance mo na sanang masungkit sa Wimbledon ang unang Grand Slam mo. Coach mode: Nasa’n ang confidence?


So, nanalo pala si Pacman. Fine.

May 3, 2009

pacquiao-hatton

As of this writing, ipinapalabas pa lang ang laban sa GMA 7. Dinig na dinig ko ang announcer sa TV ng mga kapitbahay ko. Panay ang hiyawan ng mag-asawa sa tabi ng unit ko. Pati ang pamilyang Muslim sa likod, sigaw nang sigaw nang “Whoa!”. Ganun din ang mga construction worker sa labas ng subdivision (Yes, naririnig ko ang sigawan nila). Inulan na rin ako ng mga text na nanalo na nga si Pacman in just 2 rounds. Sa Facebook, unahan ang mga kaibigan ko sa pag-congratulate sa ultimate pound-for-pound king.

Okey. Congrats. Nanalo na naman ang Pambansang Kamao.

I’m sure, pagbalik ni Pacman ditto sa Pinas, bonggang-bonggang karnabal na naman ‘to. Motorcade sa Manila kung saan dudumuging parang Nazareno si Pacman. Habang ang mga oportunistang buwakanang inang hindot na politiko ay todo kaway sa mga tao. Magpupunta sa Malacanang para sa isang photo op with the President. Perfect para sa pagpapabango ng pangalan. Pagpipiyestahan si Pacman ng media. Iinterbyuhin si Jinky at ang mga anak nila. At siyempre, di mawawala sa spotlight ang fast-rising star na si Aling Dionisia, with matching “Hay Diyos ko” sabay himatay. Ang buong Pilipinas, si Pacman ang isinisigaw.

Nakakairita. Sana di na lang siya nanalo. Don’t get me wrong. It’s not a case of crab mentality.

1. Naisasantabi ang ilang sports in favor of boxing. Admit it, adik tayo sa boxing (at basketball). At dahil ito ang sikat sa madla, may tendency na ibuhos ng sports bodies ang attention nila dito. Kaya ang dali lang makapag-produce ng magagaling na boxer. E, pa’no naman ang ibang sports? Well, they’re struggling for our attention. ‘Pag may events sila, walang publicity. ‘Pag nanalo, hindi sila front page. At ang funding at incentive, kumusta naman. Pero kung boxer ka at nanalo sa isang major na laban, asahang ikaw ang ibabandila sa primetime news.

2. Dahil sa pagkapanalo ni Pacman, nagsilitawan ang mga oportunistang buwakanang inang hindot na politiko. The nerve! Arrrrgh! Malapit na ang election, so asahan ang pag-epal ng mga politiko. Pustahan, mag-uunahan silang magpa-picture-picture kasama si Pacman habang itinataas ang kamay ng boxer. Tangina. Ang sarap nilang regaluhan ng isang matinding sliding forearm smash.

3. His victory increases his chances of grabbing a seat in Congress. Wala akong problema sa pagtakbo ni Pacman. That is, kung genuine ang intention niya. E, ang lumalabas, sinusulsulan siya ng mga ilang oportunistang buwakanang inang hindot na politiko. Kung ako sa kanya, mag-boxing na lang siya. ‘Wag na siyang sumabak sa politika.

4. Masa-saturate na naman ang TV ko ng mga commercial niya. Kelangan ko nang bumili ng ear plug at Visine.

5. Para sa bayan o para sa pera?


Roland Garros 2008

June 9, 2008

Late na ‘to, pero makiki-yehey lang ako sa pagkapanalo ng manok kong si Ana Ivanovic sa 2008 French Open. Buti na lang at nag-retire na si Justine Henin (na may napaka-unconventional na mukha). Haha! At mabuti na lang at na-eliminate sa quarters si Maria Sharapova. If ever, Shriekapova vs. Squeekavic ang labanan. Asahan na magdurugo ang tenga ng mga manonood. At number 1 na si Ana sa ranking! Yey!

Pero mas masaya sana ako kung si Jelena Jankovic ang nakapasok sa finals at nanalo eventually. Bawi na lang sa Wimledon. Since wala na si Henin at mukhang palubog na ang Williams sisters, puwede niyang ipanalo ang tournament. Sana lang umayos na ang injury niya.

Sa men’s tennis, wala aong masyadong pakialam sa Rafa-Fedex finals. Di ko nga pinanood, e. Si Novak Djokovic kasi ang gusto kong makapasok sa finals.

Wohoo! I’m loving the Serbs!