First Day High

June 14, 2013

Excited sa 2:30 pm large lecture class ko sa ASCLH (sa College of Agriculture ito). E, ‘di setup-setup ako ng presentation, practice-practice habang wala pang estudyante. Okay, done. Dumating ang dalawang student assistants. Sabi ko, game na. Hintay na lang nang konti, parating na rin ang mga estudyante. Hintay. 2:30 pm. Hintay pa. 2:40 pm na, pero wala ni isang estudyante. Hmmm, something’s not right. Tiningnan ko ang classlist. Anak ng putakte. Sa ADSCLH pala ang klase ko. Ayun, para akong freshie na tumakbo papuntang Collefe of Veterinary Medicine, na hindi ko alam kung saan. Pero salamat sa mga mala-Amazing Race na arrow, narating ko ang lecture hall.


Attack of the Killer Papers

October 15, 2011

Isang emotional roller coaster ang pagche-check ng mga papel. Nakakaiyak na nakakatawa ang mga confused na pangungusap at talata. Nakakabungal sa gigil ang mga papel na pa-impress. Nakakawala ng gana ang papel na gawa ng isang tamad, lalo na kung copy-paste (hindi biro ang maging plagiarism detective). Nakakapanghinayang ang mga paasang papel – mahusay sa simula, pero walang sinasabi sa huli. Ibang usapin pa ang pagko-comment para mapahusay ang bawat papel. Maraming guro ang nawawalan ng social life dahil dito. Ang ilan ay nako-coma sa bigat ng gawain.

Killer papers sa sofa

Killer papers sa kuwarto

Killer papers sa store room

Killer papers sa dining table


Senyales ng Stress

March 31, 2010

Inaantok na ako. Smile Honey, High Kick! Ang sakit na ng mata ko. nasugat yata dahil sa contact lens. Ang nanay ng showbiz intrigues, Cristy Fermin. VO: Saksihan ang matinding saguypaan ng Makamou demons at Oni agents! Para akong uminom ng bula. Salamat sa vendo. Kanina pa ako naghihintay sa makina. 16 hours straight ang shift ko ngayon sa trabaho. Ang asim na na ng laway ko. Namamasa na rin ang paa ko sa loob ng sapatos. The Venga Bus is the coming, and everybody’s dancing. Wow, ice cream! Penge naman ako niyan!


Ramdam na Ramdam na

January 25, 2009

Si June. Pulang-pula na’ng mukha. Hindi na maibuka ang talukap ng mata. Nakangisi. Ngising di malaman kung nangmamanyak o nang-iinis o wala lang. Nakasandal sa monoblock chair. Si Brian. Dinedemostrate kung pa’no kinantot ang girlfriend sa loob ng isang kuweba sa Rizal. With matching ooohhh…aaahhh…ooohhh. Bidang-bida ang pakiramdam. Si Chely. Pudpod na ang mga daliri sa katetext. Parang nilukot na papel ang mukha. Panay ang buntung-hininga. Panay ang bulong ng “Leche.” Si Rene. Paubos na ang isang kaha ng Gudang Garam. Umuubo, dumidighay, at umuutot na ng usok. Si Rhona. Ikinukuwento ang mga nabasa tungkol sa mga bampira at zombie habang walang tigil sa pagpapak sa malamig nang sisig. Habang hinahaplos ang tenga ni Rene. Si Mother Darla. Isinasayaw ang “Single Ladies” ng idolong si Beyonce. In full choreography mode. Walang kapaguran. Si Butch. Sige sa pagkuha ng litrato ng mga kaibigan. Mga litratong ipopost sa Multiply at Facebook at papamagatang “Eto ang Itsura ng mga Nawalan ng Trabaho.”


Big Brother sa Opisina

January 19, 2009

panopticon

Pwede naman na sigurong mag-blog, no? Wala naman na akong ginagawa dito sa opisina, since tapos ko na lahat ng trabaho ko. Sinobrahan ko pa sa quota para walang masabi ang kliyente namin. Alangan namang tumunganga lang ako. ‘Yoko na rin namang magyosi kasi makapal na’ng dila ko at masakit na sa lalamunan. Di naman ako nakapagdala ng libro kaya walang mabasa. Di rin naman ako pwedeng mag-surf sa Internet kasi may matang nakamasid. Yup, under surveillance ang PC ko. Last week lang nilagyan ng monitoring software. Para raw namamanmanan nila ang mga aktibidades namin. Para raw ginagawa namin ang trabaho. Classic panopticon ‘to. E, pano ‘pag tapos na ang mga kelangang tapusin? Di naman pwedeng matulog dahil bawal. Sinasabi nilang magiging mas productive daw pag laging minomonitor. E, lalo nga akong bumagal nang lagyan nila ng espiya ang PC ko. Writing job pa naman ‘to. Di nila naiintindihan na ‘pag inaagiw ang utak mo at magdugo ang ilong sa kapipilit na may maisulat, kelangang may diversion. Ang diversion ko dati, magbasa-basa ng mga blog, magpost sa mga forum, makipagchat sa YM, at manood ng mga clips sa Youtube. Dahil do’n nawawala ang katigangan ng utak ko. E, ngayon, di na raw pwede ‘yon. Sinubukan ko minsang mag-surf. Tapos na kasi ang trabaho ko. Kinabukasan, sinabihan ako ng staff ng IT na kitang-kita raw nila LAHAT ng logs ko. LAHAT. Siyempre natakot ako. Nababasa raw ang usapan sa chat, pati ang mga username at password ko sa Yahoo, Gmail, at Blogspot. Grabe. Pordyosporsanto. Super violated ako. Malamang binabasa/babasahin nila ‘tong sinusulat ko ngayon. Ayos, lang. Exciting to.


Perfect Attendance

January 3, 2009

Perfect attendance. Never kong na-achieve ‘to no’ng nasa college ako. Sabi ko, e ano naman ang .25 na reward sa class card sa pagtatapos ng sem kumpara sa magdamagang laklakan ng gin pomelo (ito pa’ng uso no’n) sa dorm, movie marathon sa Film Center (Cine Adarna na ngayon), at sunugan ng baga with friends sa Sunken Garden (smoking zone pa ang UP no’n). Halimaw lang ang nakaka-perfect attendance. 


Ganito rin sa trabaho. Kelan lang, in-award-an ang mge empleyadong may perfect attendance sa buong 2008. Ilan silang mga halimaw. Sila ‘yong never nag-absent (obviously), never nag-half day, never na-late, never nag-undertime, never nag-leave, at never gumamit ng offset. Isang taon. Imagine that, isang taon!

Sila ‘yong tipong ginagawa nang bahay ang office. ‘Yong di namamatayan ng mga kamag-anak. ‘Yong immune sa lahat ng uri ng sakit, kahit sipon at ubo. ‘Yong di immune sa sakit pero nagrereport pa rin sa trabaho kahit tumitirik na ang mga mata at mangisay-ngisay na sa pagdedeliryo. ‘Yong nagigising sa tunog ng alarm clock. ‘Yong kayang hawiin ang mga pukenenang sasakyan sa EDSA a la Moses tuwing peak hours. ‘Yong walang barkadang nangingidnap. ‘Yong ginagawang cocaine ang trabaho at ikamamatay ang pag-absent. ‘Yong obsessed na maging Employee of the Year pandagdag bango sa resume.

Ang reward ng isang taong walang kupas na serbisyo sa kompanya? P10,000 plus certificate of recognition. Wow. Puwede na. Kapalit ng mahahalagang oras para sa sarili, pamilya, at kaibigan? Puwedeng-puwede. As in.

Eto’ng Nakapanggagalaiti/Nakakainis/Nakapang- hihinayang

December 29, 2008

 

Magsusulat ka ng blog tungkol sa masquerade ball ng kompanya na ayaw mong siputin no’ng una dahil required kang mag-dress to the nines, magsuot ng maskara to go with the theme, at dahil may naka-schedule kang labing-labing with special someone that night pero nag-decide ka pa ring manghiram ng maisusuot na formal wear, suungin ang swarm ng mga tao sa Divisoria para magpa-customize ng Joker-style mask, at i-reschedule ang labing-labing dahil umasa kang mananalo ka sa pa-raffle ng ref at washing machine at para sa Christmas basket na ‘yong tipong ipinamumudmod sa mga nasalanta ng bagyo, baha, landslide, mudslide, sunog na magagamit mo sa Pasko, na wala rin namang nangyari in the end (maliban sa nakailang beses kang nagpabalik-balik sa buffet table at libreng beer) dahil hindi ka nanalo sa minor at major raffle draws samantalang halos lahat ng ka-share mo sa table ay natawag, dahil sa susunod na linggo na raw ibibigay ang basket, at dahil di ka na nakahabol sa labing-labing with your special someone na nagtampo sa ‘yo – at magka-crash ang browser at hindi na ma-recover ang ilang paragraph na isinulat mo.


  

 


Makapag-Blog Nga Muna Habang Walang Ginagawa sa Trabaho

August 20, 2008
Sige, makikisakay na rin ako sa bandwagon: Idol ko si Phelps! Wohoo!

Dalawang oras pa (half-empty-glass person ako) at makakalis na rin ako dito sa office. Kating-kati na akong tumakbo palabas. I know, importante sa ‘kin ang trabaho ko – afterall, ito ang bumubuhay sa ‘kin ngayon – pero ilang minuto bago matapos ang shift ko, nakaabang na ako malapit sa labasan sa swipe-an ng ID. Nakikipagkarerahan kasi akong makalabas sa office. Naging obsession ko na ‘yong ako ang unang lalabas. Kanina, muntik na akong matalo. buti na lang at mas mabilis ako ng .01 of a second dun sa lalaking madalas kong kakompetensiya.

Since dalawang oras pa (hindi “na lang”) ang hinihitay ko, tambay muna ako dito sa blog ko.

—————

Pupunta ako sa Mindanao mamaya. Hindi para makipag-threesome sa labanang militar-MILF, kundi para magbakasyon. Excited na nga ako kasi first time ko sa Mindanao. Sa Butuan, sa mansion nina Mother Resie, and first stop namin. Sa August 23-24, nasa Davao naman kami para sa Kadayawan Festival. Then diretso sa CDO. At kung kakayanin ng oras, lakas, at pera, baka magpunta rin kami sa Camiguin.

—————

Anak ng tokwa, kung kelan may importanteng lakad ako, saka naman nagsulputan ang rashes (haha, sorry mayaman ako kaya “rashes” at hindi “kati-kati”) sa mukha ko. As in ang pula-pula talaga. Sa noo at sa pisngi. kulang na lang magsuot ako ng malaking sumbrero na may tabing na fish net para di ma-obvious ang lalo kong pumangit na mukha. A, guwapo nga pala ako – sabi ng nanay ko. Sana mawala na ang rashes bagokami makaratingsa Mindanao. At sana walang bombahang maganap.

————–

Umuurong talaga’ng bayag ko ‘pag sumasakay ng eroplano. Napaparaning ako. Sobra. What if may hijacker at magpasabog ng bomba? What if maputol ang pakpak ng eroplano? What if bigla na lang tamarin ang makina at tumigil ‘to sa pag-andar? What if tamaan ng kidlat ang eroplano, lalo na ngayong may bagyo pa naman? At kani-kana lang, nabasa ko sa Yahoo News na may bumagsak na eroplano sa Spain. 149 ang patay at 26 lang ang survivor. Sana ako na lang si Unbreakable, ‘yong karakter ni Shyamalan.

————-

Isa pang problema. Hindi ako nakapagpagupit kanina. Ang kapal na ng buhok ko. Mukha nang peluka. Buti naman sana kung natural na maganda ang tubo. E, parang bulbol at iba-iba ang direction ng tubo. Aaaargh! Ba’t ba kasi di ako biniyayaan ng maayos na buhok. A, bahala na. Magbo-bonnet na lang ako. Isa pa pala, ang kapal na rin ng bigote’t balbas ko. Ang tanda kong tingnan.

————-

Tatanda na naman ako ng isang taon sa August 30. Goddarmit. Ang mga angas ko sa pagtanda, sa susunod na blog ko.


Walaaaaaang….Tulugaaaaaan!

July 23, 2008

No’ng paraket-raket lang ako, inaabot ng 12 oras ang tulog ko. ‘Pag nagising ako, para akong patay na palakang matagal nang nakababad sa tubig. At tadtad ng pillow mark ang mukha’t katawan ko. Tapos bubuksan ko ang PC at makikipagchat hanggang sa sumpungin ako ng migraine at mapudpod ang mga daliri. ‘Pag napagod, lalamon. Pagkatapos, nood ng TV. ‘P ag nabagot, magtatrabaho. Ang sarap namnamin ng buhay.

Pero ngayon, halos wala na akong tulog. Daig ko na si german Moreno, puwera siyempre ang kanyang costume. Siya lang ang kayang magdala ng haute couture na ‘yon. Wala nang iba.

So yun, mahigit 24 oras na akong walang tulog.

9:00pm – 6:00am – Trabaho. Nasabi ko na sa naunang blog ko na di puwedeng matulog sa trabaho kahit tapos na ang lahat nang dapat tapusin (usually, tapos na ako, 2am pa lang). May multa ‘pag nahuli kang tulog. Parang no’ng elementary, may multang beintesingko ‘pag maingay/pasaway/natutulog. E, ‘yong project manager namin, sa mismong likuran ko lang nakapuwesto. Pati ‘tong pagsulat ko ng blog, extra challenge.

6:01am – 7:45 am – Masarap maglakad sa umaga. Sunr ise + yosi – tao = bliss.

7:46am – 11:00am – Dahil kelangan ko ng pera – ayoko na ng love life, malas ako dito (at gustuhin ko mang makipagkangkangan, wala na, nakalimutan ko na kung pa’na malibugan), kelangan kong mag-sideline. 45-page paper ang pinapagawa sa akin. tungkol sa epekto ng national culture sa international merger and acquisition. Two weeks ago pa binigay sa ‘kin ‘to at ngayon na ang deadline, pero ni tuldok, wala pa akong naisusulat. Humingi na lang ako ng extension.

11:01am – 12:45pm – Ni-revise ko yung kuwentong isa-submit ko maya-maya sa klase. Di ko na sasabihin sa inyo, baka marami ang mamili ng kamatis sa palengke at ibato sa akin.

12:46pm – 1:25pm – Ligo at bihis. Di na ako nag-sha mpoo at nag-Master Eskinol, ubos na kasi at wala pa akong pambili.

2:00pm – 5:00pm – Klase. Pagsulat ng Eksperimental/Postmodern na Akda. Halos mapunit na ang bunganga ko sa kahihikab. As usual, nasampulan na naman kami ng matalas na dila ni Mang Jun: “‘Wag na ‘wag kayong magpapa-impress sa akin. Di uubra ‘yan.” “Alam mo, ‘wag ka na lang magsulat. pinahihirapan mo lang sarili mo.” “Pasalamat kayo’t pinagtitiyagaan kon g basahin ang mga kuwento ninyo.” Sabi ba naman niya sa isa kong kaklase: “Baka naman kasi mababa lang talaga ang IQ mo kaya di mo naintindihan ang readings?” Harsh. Pero I love it!

5:01pm – 8:32pm – Umuwi sa bahay. Nagluto. Kumain. Nag-toothbrush. Naligo (di na masyadong nagsabon kasi paubos na ang Belo whitening soap). Nag bihis. Pumasok sa trabaho.

8:33pm – 4:45am (ngayon) – Alas dos pa lang, tapos na ako. Kaya patayan na naman sa pakikipaglaban kay Inip.

‘Yan, bangag-bangag na ako. Kung anu-ano na ang naiisip ko. Nagsisimula na yatang mag-malfunction ang utak ko.

‘Wag kayong aalis, babalik agad ang…Batibot!


Seppuku

July 19, 2008
Magtatatlong linggo na ako sa trabaho. Ayos naman. Nag-a-adjust pa rin. ‘Yon nga lang, di ko talaga kayang labanan ang pagkainip. Nagfa-flash talaga sa harap ko ang salitang INIP. Pa’no kasi, 2am pa lang, tapos na ako sa mga ginagawa ko. E, 6am pa ang end ng shift. Gustuhin ko mang matulog, bawal. Kulang na lang, lagyan ko ng tungkod ang talukap ng mga mata ko. Di naman ako puwedeng uminom ng kape, na nagapahilo at nagpapasuka sa akin. Pamatay talaga. Para akong nasa isang emergency room. Comatose.
Mabuti na lang at puwedeng lumabas kahit anong oras. Ayun, para akong kapreng nananabako sa gilid ng swimming pool. Mas gusto ko ‘yong ako lang ang mag-isa. Solo ko ang lugar. Para makapag-emote na rin (minsan kasi ang sarap lang ng feeling na nag-eemote ka). Pero minsan, natitiyempuhan ko rin dun ‘yong isang barkada. Iritang-irita ako sa tinis ng pagtawa ng babaeng feeling close sa akin no’ng unang araw (gabi) ko sa trabaho. I-add ko raw siya sa Friendster o sa Facebook. Lukaret. Ang sarap hugutin ng ngalangala at lunurin sa pool.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakakausap sa team namin. Hanggang hi-hello lang kami. Walang progress. Gano’n pala ‘yon. Paminsan-minsan, naghahanap ka rin ng makakausap para pumatay ng oras. Pero ayos lang, sanay na ako do’n. A, no’ng Biyernes pala, nakakuwentuhan ko ‘yong isang babae sa team namin. So far, siya pa lang ang nakikita kong may sense of humor (e kasi siya pa lang naman ang nakakakuwentuhan ko talaga) . Ang pinagkuwentuhan namin: SEPPUKU.
——–
Sa mga gusto akong i-psychoanalyze, nagkakamali kayo ng pagbasa. hahaha.